PRESIDENTE MARCOS AT SEC. BAUTISTA PANGUNGUNAHAN ANG GROUNDBREAKING NG MMSP

PRESIDENTE MARCOS AT SEC. BAUTISTA PANGUNGUNAHAN ANG GROUNDBREAKING NG MMSP

Pangungunahan nina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Transportation Secretary Jaime Bautista ang ground break para sa pagtatayo ng mga istasyon ng Ortigas at Shaw Boulevard ng Metro Manila Subway Project (MMSP) ngayong araw, Oktubre 3, 2022.

Bibigyan ni Bautista si Pres. Marcos ng mga highlight ng buong MMSP, ang unang underground railway system ng bansa na tatakbo mula Valenzuela hanggang Bicutan, o higit sa 33 kilometro, na may 17 istasyon.

Ayon kay Bautista, matapos makumpleto ang MMSP ito ang magiging crown jewel ng mass transit infrastructure system ng bansa.“We are running at full speed on this project. We owe it to the commuting public.” dagdag pa nito.

Tinatayang higit sa 519,000 pasahero bawat araw ang maseserbisyiuhab ng subway kapag ito ay nasimulan na. Malaking kabawasan din ito sa oras ng paglalakbay mula Valenzuela tungong Bicutan na may 45 minuto lamang.

Ang ground breaking ceremony ay magiging hudyat ng pagsasara ng isang bahagi ng Meralco Avenue sa Pasig City – mula Capitol Commons hanggang Shaw Boulevard simula Oktubre 3, 2022 hanggang taong 2028 upang bigyang-daan ang konstruksyon.

Ang buong contract package ay halos 3.4 kkilometers ang haba na may dalawang istasyon na konektado ng 920.5-meter tunnel at umaabot pa sa 1.86-kilometer tunnels na nagkokonekta sa Shaw Blvd hanggang Kalayaan Avenue Station sa Taguig City.

Ang MMSP ay suportado ng mga pautang mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *