RADIO COMMENTATOR PERCY LAPID NG “LAPID FIRE ” PATAY SA PAMAMARIL

RADIO COMMENTATOR PERCY LAPID NG “LAPID FIRE ” PATAY SA PAMAMARIL

BINARIL at napatay ang matapang na broadcaster at DWBL radio commentator na si Percival Mabasa na mas kilala sa pangalang Percy Lapid kagabi sa may gate ng BF Resort Village sa Talon Dos, Las Piñas City ayon sa ulat ng DZRH.

Ayon sa isang kamag-anak ng biktima,si Lapid na host ng kanyang matagal nang programang ” Lapid Fire ” online broadcast program ay sinundan umano sa may gate ng village ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo habang siya ay papauwi na para sa kanyang online broadcast at binaril siya ng maraming beses habang lulan ng kanyang Black Toyota innova.

Naisugod pa umano ang biktima sa ospital subalit ideneklarang dead on arrival.

Ayon sa pulisya, nangangalap sila ng mga ebidensiya kabilang na rito ang CCTV footage na makakatulong sa kanilang imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *