CLAIMANT NG 505 PIRASO NG ECSTACY ARESTADO SA IKINASANG OPERASYON NG BOC AT PDEA

CLAIMANT NG 505 PIRASO NG ECSTACY ARESTADO SA IKINASANG OPERASYON NG BOC AT PDEA

May be an image of 3 people and people standing
No photo description available.

 ARESTADO ang isang suspek na tumayong claimant ng 505 piraso ng Methylenedioxymethamphetamine o mas kilala sa tawag na ecstacy na umaabot ang halaga sa P858,500.00 matapos mahulog sa ikinasang controlled delivery operation ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs-Port of Clark at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Parañaque City.

Ang nabanggit na iligal na droga ay nadiskubre sa isang shipment na nanggaling sa Hoofdorp, Netherlands at dumating sa bansa noong September 30.

Agad na nagsagawa ng physical examination sa kahina-hinalang shipment at doon natuklasan ang tatlong plastic jars na naglalaman ng kulay gray at pink na mga tabletas na hinihinalang ecstacy.

Isinailalim sa field testing ang ang mga ito kung saan napatunayan na positibo ang mga ito sa “mixture of MMDA (Ecstacy) Cotton ” na controlled substance Amphetamine.

Matapos suriin at mapatunayan na kumpirmadong ecstacy ang nadiskubreng mga tableta ay agad na nag-isyu ng warrant of Seizure and Detention si District Collector Alexandra Lomontad para sa kasong paglabag sa Sections 118 (g),119 (d),at 1113 par.f.i&i ng R.A. No. 10863 in relation to Section 4 of R.A. No. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Agad na nagsagawa ng controoled delivery operation ang mga elemento ng ng BOC-Port of Clark at PDEA ngayong araw Oktubre 4 na nagresulta sa pagkakaresto ng suspek sa nabanggit na lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *