CLEAN UP DRIVE NG PCG, TAGUMPAY

CLEAN UP DRIVE NG PCG, TAGUMPAY

May be an image of 4 people and outdoors

ANG Philippine Coast Guard (PCG) Station Malacañang ay nag-organisa ng clean-up drive sa paligid ng tubigan ng Estero De Sunog Apog, Barangay 135, Balut, Tondo, Maynila, nitong 01 Oktubre 2022.

Kasama ang Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO) at iba pang ahensya ng gobyerno, ang PCG ay nakakolekta ng humigit-kumulang 1,500 sako ng solid waste sa nasabing marine environmental protection initiative.

Ang PCG at PRCMO ay nagtutulungan upang mapanatili ang kalinisan ng Ilog Pasig, isulong ang kamalayan sa kapaligiran ng mga residente, at maibsan ang pagbaha sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *