AIZA, NAGPASALAMAT KAY BOSSING

AIZA, NAGPASALAMAT KAY BOSSING

Si Tito Vic…Hindi ko alam kung paano ko sisimulan kasi ang dami kong gustong sabihin. I literally grew up alongside this man. Mula Little Miss Philippines ngayon, yung pagmamahal niya sa akin hindi nagbago. Our relationship far exceeded what you saw on television. Pakiramdam ko, tatay ko talaga siya. Noong bata ako, sa bahay niya ako nag spend ng weekends kasama ng iba niyang kids.He taught me how to play the guitar during breaks ng taping ng Ok Ka Fairy Ko, siya rin nagturo sa akin mag Tong its (para daw may kalaro siya).Sa kanya rin ako natuto ng style pagdating sa girls. Tahimik, disimulado, patingin tingin lang. Hahaha! I watched him kung paano siya sa trabaho. Despite him being a big star, isa lang ang kasama niya sa shoot. Nasa mess hall lang, nakikipagkwentuhan kahit kanino. Parating maaga sa set, never kami pinaghintay. Walang arte, walang yabang. And most importantly, he knows how to take care of us. Grabe siya magalaga. I’m blessed na si Tito Vic ang nakasama ko mula bata pa lang. I will always look up to him as one of my mentors, and I will always love and respect him like a father.I love you, Tito Vic. Thank you for saying yes to celebrating my 35th year with me on Becoming Ice.

Ito ang mensaheng ibinahagi ng singer/composer na si Aiza Seguerra bilang pasasalamat kay Bossing Vic Sotto na makakasama nito sa kanyang nalalapit na anniversary concert.

Ang mga ticket para Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert na gaganapin sa the Theatre at Solaire, Oct 15, 8pm, ay mabibili sa online at sa Ticketworld website:https://premier.ticketworld.com.ph/Or call 02-8891-9999

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *