DALAWANG TULAK TIMBOG MATAPOS MAHULIHAN NG SHABU AT BARIL SA NAVOTAS.

DALAWANG TULAK TIMBOG MATAPOS MAHULIHAN NG SHABU AT BARIL SA NAVOTAS.

NASAKOTE ng mga operatiba ng pulisya ang dalawa umanong ‘tulak’ kabilang ang isang babae matapos na makum¬piskahan ng baril at mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa ginawang buy-bust operation sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspect na sina Marlon Simeon, 42, at Aidalyn Llamson, alyas Ambok , 43, kapwa ng Brgy.Tangos North Navotas.

Ayon kay Ollaging, dakong alas-10:45 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy-bust sa Badeo 5, Brgy. San Roque matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa talamak na pagbebenta ng shabu ni Simeon na dito nga nahulog sa bitag ang dalawa.

Nakumpiska sa mga suspect ang humigi’t kumulang sa 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P340, 000, isang cal. 45 pistol na may anim na bala at sling bag.

Nahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.Samantalang karagdagang kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on firearms and Ammunitions ang kakaharapin ni Simeon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *