33-ANYOS NA BINATA, NABITAG SA BUY-BUST OPERATION

33-ANYOS NA BINATA, NABITAG SA BUY-BUST OPERATION

ARESTADO ang isang 33-anyos na lalaking suspek na kabilang sa Pasig City Drug Watchlist matapos mahulog sa isang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Bolante 2, Brgy. Pinagbuhatan Pasig City.

Ang suspek ay kinilala ni PCOL Celerino M. Sacro,Jr. Officer-in-Charge, Pasig CPS na isang Alyas ‘TOTONG’, binata, high school graduate, walang trabaho at residente ng San Agustin Street, Palatiw, Pasig City.

Naaresto si Totong ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng PCPS dakong alas-3 ng madaling araw ng Oktubre 12 kung saan narekober mula sa kanya ang ang 7 plastic sachet ng hinihinalang shabu na humigit kumulang sa anim na gramo at may standard drug price na P40,800.00,isang kulay itim na pouch, 2 piraso ng one hundred peso bill (buy-bust money).

Ang invetory at markings ng mga nakumpiskang ebidensiya ay isinagawa sa lugar na pinangyarihan ng insidente na sinaksihan nina Barangay Chairman Maricar A. Vivero at representative mula sa media na si Nolan Ariola.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Secs 5 and 11 Art. II of R.A.9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Pinuri naman ni PCOL Sacro Jr. ang kanyang mga tauhan dahil sa patuloy na pagtugis at pag-aresto ng mga ito ng mga indibidwal na hindi pa rin humihinto sa pagpapakalat ng ipinagbabawal na gamot sa lungsod.

. β€œThe PNP will continuously intensifies its campaign against illegal drugs, and with the cooperation and timely reporting of the community, the PNP Pasig will be able to continue arresting drug personalities in our area of responsibility,” pahayag ni PCOL Sacro, Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *