MT. BULUSAN NAKAPAGTALA NG 313 VOLCANIC EARTHQUAKES AYON SA PHIVOLCS SA HULING 24 ORAS

MT. BULUSAN NAKAPAGTALA NG 313 VOLCANIC EARTHQUAKES AYON SA PHIVOLCS SA HULING 24 ORAS

HABANG aligaga sa kanilang isinasagawang paghahanda at pagpaplano ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) sa Bicol kaugnay sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Albay, nakapagtala naman ng sunud-sunod na volcanic earthquakes ang Mt. Bulusan sa karatig lalawigan na Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) umabot sa mahigit na 300 pagyanig ang naramdaman sa Mt. Bulusan mula kahapon ng hapon kung kailan itinaas sa Alert Level 2 ang alert status dito.

Sinabi ng Phivolcs na nagbuga ang Bulusan ng 279 tonelada ng sulfur dioxide sa loob lamang ng isang araw na nakabatay sa pinakahuling tala noong dulong bahagi ng buwan ng Setyembre.

Pinaalalahanan naman ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Sorsogon na mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit o pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone ng Mt. Bulusa at gayundin ang pag-iwas naman sa two-kilometer extended danger zone sa timog-silangang bahagi ng bulkan dahil lubhang mapanganib sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *