CHOCO MUCHO NANGIBABAW SA F2 LOGISTICS

CHOCO MUCHO NANGIBABAW SA F2 LOGISTICS

ITINULAK ng Choco Mucho sa kanilang ikalawang sunod na pagkatalo ang F2 Logistics,25-21, 22-25, 25-20, 26-24  sa pagpapatuloy kagabi ng 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference sa PhilSports Arena, Pasig City.

Ang Cargo Movers ay nakipaghatawan sa kabuuan ng apat na sets at binigyan ang Flying Titans ng isang napakahirap na panalo bago tuluyang bumigay sa huli.

Sa kabila ng medyo tagilid na simula sa fourth set ay napangibabawan pa rin ng Choco Mucho ang mainit na opensiba ng F2 Logistics at naagaw ang mahalagang yugto patungo sa kanilang matamis na panalo.  

Sa halip na ipasok sa kanilang first six ang setter nila na si Deanna Wong ay ang veteran na si Jem Ferrer ang ginamit ng Flying Titans matapos ang unang talo na kanilang nalasap mula sa Petro Gazz Angels noong Martes.

Ang 3-time UAAP best setter at 2011 V-League Finals MVP ay nakapagkasa ng 20 excellent sets upang iangat sa panalo ang kanyang koponan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *