2022 SCHOOL FURNITURE SUPPLIER’S FORUM GINANAP SA RED HOTEL

2022 SCHOOL FURNITURE SUPPLIER’S FORUM GINANAP SA RED HOTEL

PINANGUNAHAN nina Undersecretary for Administration Kris Ablan, Engr. Annabelle R. Pangan, at ng mga kawani ng Education Facilities Division ng Kagawaran ang School Furniture (SF) Suppliers’ Forum na ginanap sa Red Hotel, Cubao, Quezon City ngayong araw.

Layunin nito na maibahagi sa mga suppliers ang mga updates patungkol sa mga makabagong disenyo at specifications na kalimitang ginagamit ng Kagawaran ng Edukasyon.

Nabigyan din ng pagkakataon ang mga suppliers, school representatives at mga attendees na maidulog ang kanilang mga katanungan at suliranin hinggil school supplies procurements.

Ang pagtalakay ni Assistant Chief ng Education Facilities Division Engr. Luis G. Purisima Jr. sa mga pagbabago at pagpapaunlad na ginawa ng Kagawaran sa disenyo ng mga school furniture at pagbabahagi ng technical specifications ng mga ito ang naging highlight ng pagtitipon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *