ADELAIDE 36ERS NILAPA ANG HAWKS

ADELAIDE 36ERS NILAPA ANG HAWKS

NAKABAWI mula sa kanilang masamang simula ang Adelaide 36ers at kinuha ang kanilang isang panalo sa unang dalawang laro matapos gibain ang Illawarra Hawks, 90-80 sa kabubukas pa lamang na 2022-23 season ng National Basketball League(NBL).


Bumida sa panalong ito ng Sixers ang kanilang import na si Craig Randall II na kumana ng 28 points kasama ang 6 na triples, may 4 rebounds at tatlong assists habang ang dalawa pang imports ng Adelaide na sina Robert Franks at Antonius Cleveland ay nakagawa ng tig-16 puntos.


Maagang naramdaman ang mainit na opensiba ng Adelaide at dinomina nila ang kabuuan ng first half at nanatiling nasa unahan 46-40 sa pagtatapos ng second quarter matapos makalamang ng sampung puntos, 25-15 sa first quarter.


Bumilis ang facing ng opensa ng Hawks sa third quarter at nagawa pa nilang mangibabaw sa 60-56, 39 segundo pa sa orasan.


Naging mabangis si Randall sa pagbubukas pa lamang ng fourth quarter at pinangunahan nito sa pamamagitan ng malalayong three point shot ang kanilang opensa kung saan tumapos sila ng 32 puntos kabuuan ng yugto kumpra sa 20 puntos na produksyon ng Illawarra.


Si Kai Sotto ay nakapaglaro lamang sa loob ng 11 minuto at hindi nakaiskor matapos magmintis sa kanyang mga tira subalit nakapag-ambag ito ng 7 rebounds at 2 blocks. 


Ang Adelaide ay may karta ngayon na 1-1 win-loss record makaraang matalo sa Tasmania Jack Jumpers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *