” God’s messengers… Angels are spiritual beings created by God to serve Him.
Ito ang katagang madalas naririnig ng teenager na si Faith na sinasabi ng grandfather niya na founder ng Angels of God.
Ang 65 years old Grandpa Charlie ni Faith na founder ng Angels of God, isang kulto na ang itinuturing ng mga followers nito na kanilang guiding light at daan para sa kanilang kaligtasan.
At si Faith na masahol pa sa isang nerd ang looks ay lumaki sa weird na kapaligiran sa malayong farm ng kanyang lolo kung saan nakatayo rin ang mistulang kapilya ng mga tagasunod nito kabilang ang kanyang ina na si Shaine at Daddy niyang si Mol na anak ni Grandpa Charlie.
Over decades, the angels of God grew into an international organization na naging notorious for it’s alarming sex practices and allegations of abuse and exploitation.
Kung paano tatakasan ni Faith ang nakakakilabot na sitwasyon bilang susunod na handog kung saan pagsapit niya ng ika-18 kaarawan ay nakatakda siyang maging asawa ng kanyang lolo sa loob ng 13 Biyernes ayon sa kautusan ng kulto at kung paano niya makikilala ang anak ng pinakamayamang pulitiko sa kabilang lungsod na si Cali ay ang araw-araw na magpapahalakhak at magpapakilig sa inyo sa PNC.
Tatakasan ni Faith ang impiyernong sinasabing langit sa kulto na kinalakihan niya kasama ang kanyang pamilya habang sa dami ng taong puwede niyang makilala sa lungsod at maging close sa kanya ay si Cali pa na isang sutil at spoiled brat na magpapabago nang husto sa kanyang buhay.
Tunghayan kung paanong nasuot sa masalimuot na gusot laban sa isang organisadong sindikato ang dalawa nang hindi sinasadyang nag-cross ang mga landas ng mayamang binatilyo na isang computer whiz na si Cali at ang computer programmer expert na si Faith na sa kagustuhang makalimot sa mala-impiyernong buhay na kanyang pinagdaanan ay ibinuhos ang buong panahon sa kanyang pag-aaral at technical work.