/cdn.vox-cdn.com/uploads/chorus_image/image/71528281/1244133175.0.jpg)

PUMANTAY sa unahan ng team standings ang Utah Jazz matapos talunin si Rudy Gobert at ang Minnesota Timberwolves, 132-126 para sa kanilang ikalawang diretsong panalo sa pagpapatuloy ng umuusok na elimination round ng 2022-23 season ng National Basketball Association.
First quarter pa lamang ay tinambakan na ng Timberwolves ang karibal ng 17 puntos subalit sa second half ay parang tigreng nahanap ang bangis na bumuwelta ang Jazz at kinontrol ang laro bago muling nakabangon ang Minnesota patungo sa overtime.
Bumida sa panalo ng Utah ang dating Sixth Man of the Year na si Jordan Clarkson na bumirada ng 29 points, 6 na assists habang si Lauri Markkanen ay may 24 points at 13 rebounds.
Dahil sa panalong ito ng Utah, nakapantay niya sa pansamantalang liderato ang Memphies Grizzlies at New Orleans Pelicans sa kanilang magkakatulad na 2-0 win-loss card.