PORTER, GREEN BUMIDA SA PANALO NG ROCKETS KONTRA JAZZ

PORTER, GREEN BUMIDA SA PANALO NG ROCKETS KONTRA JAZZ

Utah Jazz vs Houston Rockets Oct 24, 2022 Game Summary | NBA.com
Previously winless Rockets hand Jazz first loss, 114-108

ANG Utah Jazz ay nakalasap ng kanilang unang pagkabigo sa kanilang pinakahuling laro kontra Houston Rockets, 114-108 na ikatlong game ng koponan sa loob ng apat na magkakasunod na gabi.

Bagama’t nakakapagod ang back to back na pagsalang sa dalawang pinakamahirap na laban ay hindi naman naging tunay na dahilan sa pagkatalo ng Jazz dahil buong husay na naglaro ang mga bataan ni Coach Will Hardy subali’t sadyang ang gabi ay para kina Kevin Porter Jr. at Jalen Green na nakapaglista ng 26 at 25 puntos ayon sa pagkakasunod.

Ang Jazz ay pumasok sa loob ng hardcourt na may kartadang 3-0 habang 0-3 naman ang Rockets.

“We needed one, obviously,” masayang pahayag ni Rockets coach Stephen Silas. “And the way we did it where we were fighting, and we had some adversity and we fought back. They tied the game a couple of times, but we didn’t break.”

Ang Rockets ay angat sa mas maraming bahagi ng laro kung saan nagawa pa nilang makalamang ng 10 points sa first half bago naitabla ng Jazz ang laban na sinundan ng isang lay-up ni Eric Gordon na nagbigay ng 2 puntos na agwat, 110-108 may 1:23 pa sa orasan.

Kumolekta ng apat na puntos mula sa free throw line ang rookie ng Houston na si Jabari Smith Jr. sa huling 24.5 segundo para sa panalo ng Rockets.

“We knew they were coming off a back-to-back, so our whole game plan was to make them run,” wika ni Porter.. “We needed high energy, we needed momentum, and that’s what we did.”

“Credit to Houston — they played great, their spacing was great. We did not do a good job of defending without fouling,” pahayag ni Utah coach Will Hardy . “When you play an entire first half a little bit flat, you leave yourself in a situation where things don’t go your way and you end up losing the game.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *