ANTETOKOUNMPO, SINAGASAAN ANG BROOKLYN NETS

ANTETOKOUNMPO, SINAGASAAN ANG BROOKLYN NETS

Brooklyn Nets News, Scores, Status, Schedule - NBA - CBSSports.com

SINAGASA ni Giannis Antetokounmpo ang masikip na depensang ikinapit ng Brooklyn Nets sa second half at ipinagpatuloy ang pagtimba ng puntos mula sa first quarter hanggang sa dulo ng laro upang pangunahan ang Milwaukee Bucks sa ikatlong sunod na diretsong panalo,110-99 sa elimination round ng 2022-23 season ng National Basketball Association (NBA) sa Fiserv Forum.


Si Antetokounmpo ay umiskor ng 40 points sa magkasunod nilang laro at binalikat ang paghahabol sa  laban na kinakitaan ng mabagal nilang simula kung saan paulit-ulit silang iniiwanan ng Nets sa kabuuan ng first half.


Umiskor si Antetokounmpo ng 17 points sa third quarter at binura ang 12 puntos na kalamangan na inayuda ng Nets sa first half at mag-isa niyang kinabayo ang kanilang opensa hanggang makatabla at makalamang pa ng 2 puntos at mula doon ay hindi huminto pa ang Bucks sa pagkamada ng puntos.

Trae Young scores 35 points, Hawks beat Pistons - TSN.ca


Muli pang umiskor ng 17 puntos ang dating NBA Most Valuable Player sa final quarter at tuluyan nang dinugo ang tropa nina Kevin Durant at Kyrie Irving sa mahigpit na paghahabol bago tuluyang matalo sa laro.Gumawa ng kabuuang 43 puntos si Antetokounmpo sa labang ito at 44 puntos naman ang naitala niya sa sinundang laro kontra naman sa Houston Rockets na kanila ring pinagwagian.


Sa iba pang mga laro, nagwagi rin ang Cleveland Cavaliers laban sa Orlando Magic, 103-92 habang pinadapa naman ng Atlanta Hawks ang Detroit Pistons, 118-113 at nanalo ang Toronto Raptors sa Philadelphia 76ers, 119-109.

Mobley has 22 points, Cavs beat Magic for 3rd win in row | Professional |  santamariatimes.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *