CHERRY TIGGO PASOK SA SEMIS; CREAMLINE WAGI KONTRA UAI-ARMY

CHERRY TIGGO PASOK SA SEMIS; CREAMLINE WAGI KONTRA UAI-ARMY

Unbeaten Chery clinches PVL semis off Army 5-setter; Creamline grounds Akari

PORMAL na nakapasok sa semifinals ang Cherry Tiggo Crossovers nang makamit ang kanilang ikalimang diretsong panalo at pasadsarin pa sa kanilang ikaapat na sunod na talo ang United Auctioneers Inc.- Army sa pamamagitan ng limang sets, 22-25, 25-15, 25-27,25-18, 15-12 sa main game kagabi sa 2022 PVL Reinforced Conference sa Philsports Arena, Pasig City.

Napanatili ng Cherry Tiggo ang kanilang walang bahid na record sa team standings subalit dumaan sa isang mahirap na sitwasyon bago tuluyang bumigay sa fifth set ang UAI-Army.

Gumawa ng apat na puntos sa final set si Mylene Paat na may nailistang 23 points sa 21 attacks, sa kabuuan kasama ang 2 blocks at 12 digs habang nakapagtala naman ng 19 points on 18 attacks at 19 excellent receptions ang kanilang import na si Jelena Cvijovic.

Si Royce Tubino ay naging napakainit sa fifth set kung saan humataw siya ng back-to-back na puntos subalit ibinaon sila ng Crossovers matapos umiskor ang mga ito ng anim na walang sagot na puntos patungo sa kanilang pagwawagi.

Si Tubino ay nakapagtala naman ng game-high na 24 points at 21 points naman ang naiambag ng kanilang import na si Laura Condotta.

Sa unang laro ay kiniha naman ng Creamline Cool Smashers ang ikaapat nilang panalo upang maokupahan ang ikalawang posisyon, 4-0 at ilapit pa ang koponan ng isang hakbang patungo sa isa pang bangkuan sa semifinals makaraang magwagi laban sa Akari Chargers sa apat na sets, 23-25, 25-15, 25-16, 25-21.

Ang Cool Smashers na ginulat ng Akari nang talunin sila nito sa first set ay parang tigreng nagtambak ng puntos sa second set at agad na iniwan ang huli sa pagsisimula pa lang ng set, 8-2 at hindi na muli pang lumingon matapos iyon para makuha ang isa pang panalo.

Nanguna sa Creamline ang kanilang import na si Yeliz Basa sa kanyang 18 points habang nakapag-ambag naman ng 14 points si Celine Domingo at may 12 points si Jema Galanza.

Ang hairband girl na si Jia De Guzman ay muling nagpamalas ng napakatalas na laro  lalo na sa second set at sa kabuuan ay nakapagkasa ng 19 excellent sets habang si Kyla Atienza ay may 18 digs at 12 receptions na naitala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *