BAGYONG ‘PAENG’ 2 BESES NAG-LANDFALL; SIGNAL NO.3 NAKATAAS SA IBA’T IBANG LALAWIGAN

BAGYONG ‘PAENG’ 2 BESES NAG-LANDFALL; SIGNAL NO.3 NAKATAAS SA IBA’T IBANG LALAWIGAN

5 W. Visayas provinces on highest response alert for Paeng | Philippine  News Agency
Storm Paeng spawns floods, landslides in Central Visayas | ABS-CBN News

PATULOY sa kanyang paglakas at pananalasa ang bagyong Paeng na nagdulot ng malawakang pag-ulan at pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa at naiulat na dalawang beses nang nag-landfall sa Catanduanes at Camarines Sur sa Bicol kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat ng PAGASA, ang bagyong Paeng ay huling namataan sa bahagi ng Siruma sa Camarines Sur taglay ang lakas ng hangin na 95 kilometro bawat oras at bugso ng hangin na umaabot sa 160 kilometro bawat oras.

Si Paeng ay kumikilos patungo sa direksyon ng kanluran hilagang kanluran sa kanyang bilis na 30 kilometers per hour.

Magkasunod na nag-landfall ang bagyong Paeng sa Catanduanes at Camarines Sur at inaasahang babaybayin ng bagyo mamayang hapon ang lalawigan ng Quezon patungo sa direksyon malapit sa National Capital Region (NCR) na inaasahang maghahatid dito ng mga pag-ulan.

Samantala, nakataas naman ang Tropical Cyclone Signal No. 3 sa mga lalawigan ng Camarines Norte, northern portion ng Camarines Sur, northern at eastern portions ng lalawigan ng Quezon kabilang ang Pollilio Islands habang nasa ilalim naman ng Signal No. 2 ang mga lalawigan ng Sorsogon, Albay, hilaga at kanlurang bahagi ng Masbate kabilang na ang Burias at Ticao islands, natitirang bahagi ng Camarines Sur, nalalabing bahagi ng Quezon, Laguna, Batangas, Rizal, Cavite, Metro Manila, Bulacan, katimugang bahagi ng Aurora, Gitna at katimugang bahagi ng Nueva Ecija, Bataan, Zambales, Tarlac, Pampanga at katimugang bahagi ng Pangasinan, northern at southern portions ng Oriental Mindoro, northern at central portions ng Occidental Mindoro kabilang na ang Lubang Islands, Romblon at katimugang bahagi ng Northern Samar.

Nakataas naman ang Signal No. 1 sa Kalinga, Ifugao, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Mountain Province, La Union, Benguet, Ilocos Sur, nalalabing bahagi ng Nueva Ecija, natitirang bahagi ng Aurora, ilang bahagi ng Pangasinan, natitirang bahagi ng Oriental at Occidental Mindoro, northern portion ng Palawan kabilang na ang Calamian at Cuyo Islands, natitirang bahagi ng Masbate, natitirang bahagi ng Northern Samar, Biliran, Leyte, Eastern Samar, Southern Leyte, Bohol, Negros Occidental, Bohol, Cebu kabilang na ang Camotes at Bantayan Islands, Negros Oriental, Guimaras, Capiz, Antique, Iloilo, Siquijor, Aklan natitirang bahagi ng Leyte at Dinagat Islands, Surigao del Norte kabilang na ang Siargao at Bucas Grande Islands, Camiguin,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *