BILANG NG NASAWI SA MAGUINDANAO UMABOT NA SA 67

BILANG NG NASAWI SA MAGUINDANAO UMABOT NA SA 67

Paeng' leaves at least 67 dead in Maguindanao | MindaNews
Paeng' leaves at least 67 dead in Maguindanao | MindaNews

KINUMPIRMA ng Bangsamoro Government’s Rafid Emergency Action on Disaster incidence (REAI-BARMM) na umabot na sa bilang na 67 ang mga nasawi, 37 ang nasugatan habang 11 katao pa ang nawawala dahil sa malawakang pagbaha at landslides sa iba’t ibang lugar sa mga bayan sa Maguindanao del Norte, Cotabato City at North Cotabato dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng.

Pinakamatindi ang naging pinsala ng bagyo sa ilang mga bayan kabilang ang Datu Blah Sinsuat,North Upi at Datu Odin Sinsuat habang naapektuhan din ng mga pagbaha ang mga bayan ng Sultan Kudarat, Sultan Mastura, Parang, Cotabato,South Upi, Northern Kabuntalan, Guinulungan at Matanog.

Ayon sa mga residente na nakasaksi sa walang tigil na malakas na pagbuhos ng ulan, bigla umanong gumuho ang bundok at mabilis ang pagragasa ng agos ng baha kung kaya’t marami ang talagang marami ang namatay.

Samantala, nagdagdag pa ng kanilang bilang ang 6th Infantry Division ng Philippine Army upang makatulong sa isinasagawang rescue and retrieval sa iba’t ibang mga bayan na naapektuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *