RESULTA NG ISINAGAWANG INDEPENDENT AUTOPSY SA LABI NG ALLEGED MIDDLEMAN NA NASAWI SA BILIBID NA SI VILLAMOR,INILABAS

RESULTA NG ISINAGAWANG INDEPENDENT AUTOPSY SA LABI NG ALLEGED MIDDLEMAN NA NASAWI SA BILIBID NA SI VILLAMOR,INILABAS

2nd autopsy result: Percy Lapid slay middleman died from plastic bag  suffocation | Inquirer News

INIHAYAG ngayon ng Forensic pathologist na si Dr. Racquel Fortun ang naging resulta ng kanyang isinagawang independent autopsy sa bangkay ng inmate na si Jun Villamoy y Globa na diumano’y middleman sa naganap na pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid kung saan natuklasan umano niya sa labi na mayroon itong “history of asphyxia by plastic bag suffocation.”

Sa isinagawang press briefing kanina ay humarap sa mga mamamahayag sina Department of Justice (DOJ) Secretary Jose Crispin Remulla. Dr Fortun at DOJ Spokesperson Mico Clavano kung saan tinalakay ang tungkol sa resulta ng isinagawang autopsy ng doktora.

“The autopsy findings showed no gross morphologic cause of death and this is consistent with the reported asphyxia,” pahayag ni Fortun.

Ayon pa sa kanya, natuklasan din niya na sa katawan ni Villamor na nagkaroon ito ng “pulmonary congestion, edema, at hemorrhages.

Bukod pa rito ay may palatandaan din umano na ang nasawi ay nagkaroon ng matinding takot para sa kanyang buhay at maaring namatay sanhi ng suffocation sa pamamagitan ng plastic na nakasuklob sa ulo nito.

“However, information trickled in, I noted it here, and this is very important that he had an inkling that he was in danger. And true enough, short after, he died.”

Sinabi pa ni Fortun na maging siya sa kanyang sarili ay naniniwalang si Villamor ay namatay sa hindi maipaliwanag na dahilan dahil wala naman umano itong seryosong karamdaman o sakit at wala rin namang anumang injuries.

“Based on available information regarding the circumstances surrounding death, the manner is homicide,” dagdag pa ng forensic expert.

“There’s an account of someone now explaining how he died. And I remember Secretary Remulla asking me, ‘Plastic bag?’ And I said, ‘Pwede. Actually, pwedeng pwede. ”

Sa toxicology examination ay nadiskubre din ang methamphetamine sa ihi ni Villamor.

Samantala, sinabi naman ni Remulla na may pito katao ngayon ang sumasailalim sa kanilang kustodiya na may kaugnayan din sa pagkamatay ni Villamor na maaring makapagpatunay na ang itinuturong middleman ay pinatay habang siya ay nakakulong sa New Bilibid Prison.

“Ang pagkamatay po ni Jun Villamor ay hindi po aksidente. Hindi po atake na natural, ngunit isa pong pinagplanuhan na kamatayan,” mariing pahayag ng kalihim.

Si Villamor ay itinuro ng self-confessed gunman sa Percy Lapid killing na si Joel Escorial na isa sa dalawang umano’y middleman na kumontrata sa kanya upang patayin ang brodkaster.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *