JAZZ, BUCKS, SIXERS, SUMIKWAT NG PANALO

JAZZ, BUCKS, SIXERS, SUMIKWAT NG PANALO

Jazz use rally to upset Grizzlies for fifth win of young season | GMA News  Online
Bucks outlast Hawks 123-115 to maintain perfect record

ANG Utah Jazz ay nakatakas sa kanilang pinakamahigpit na laban sa season at ang isang posibleng talo ay naibaligtad sa isa pang panalo.

Tinalo ng Jazz ang Memphis Grizzlies sa ga-hiblang 124-123 sa isang back-and-forth affair na tinampukan ng mga nakakahilong pasahan at pilipit na mga tira sa shaded area.

Sa gitna ng malakas na hiyawan at kantiyawan ng mga manonood sa Salt Lake City, ang pagpapalitan ng basket ng Grizzlies at Jazz ay mistulang napakasimple kung saan ang mga malalayong pukol mula sa kabila ng arko ay para lamang inilalagay kahit sa mga sitwasyon na segundo na lamang papatay sa kanilang hawak na bola.

Bumida sa laro sina Kelly Olynyk (23 points), Lauri Markkanen (23) at Jordan Clarkson na may naitulong na 21 points at ito ang bumalewala sa makapal na 32 points na kinamada naman ni Memphis guard Desmond Bane.

Samantala sa iba pang mga laro, kapwa umiskor ng 34 points sina Giannis Antetokounmpo at Jrue Holiday upang talunin ang Atlanta Hawks, 123-115 habang si Joel Embiid ay tumirada ng 25 points kasama ang isang tiebreaking 3-pointer upang suwagin ang Chicago Bulls,114-109.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *