SHARON CUNETA, HUGAS-KAMAY

SHARON CUNETA, HUGAS-KAMAY

May be an image of 1 person and text that says 'wage hike GO Online sign P175-B railway loan deal BY: GERRY OCAMPO'
No description available.

PAGLILINAW ni Sharon Cuneta na hindi sumama ang loob niya nang di siya papasukin sa Hermes store sa South Korean kamakailan.

Sa latest vlog ng Megastar na Mega Unboxing Seoul Haul ay nagbigay siya ng paglilinaw tungkol sa detalye ng pangyayari.

“Once and for all, sinabi ko na sa Instagram parang wala pong nakikinig, walang nagbabasa, kasi paulit-ulit, ang kulit-kulit. Sasabihin ko lang po, of course I know that you need an appointment with an Hermes boutique before you can go, Lahat po ng bags ko, kahit ano ng tatak – kesyo Chanel, ke Hermes, ke Louis Vuitton, sila po ang nagpapadala sa akin ng picture, kung ano`ng bago. Kahit ano pong tatak yan at minsan po, nakaupo lang ako, mine-makeup-an, nagsa-shopping na po ako nun ng kahit ano`ng gusto ko,” paliwanag ng Megastar.

Paglilinaw din ni Sharon na hindi talaga siya nagalit nang hindi nakapasok sa Hermes.

“I just wanna say hindi po ako nagalit nu`ng di ako pinapasok sa Hermes, dahil nagbakasali lang po ako na baka naman puwede, because usually pag konti lang naman ang clients sa loob, yung shoppers, they sometimes let you in. I just really wanted a belt because, I really truthfullly do not need anything more from Hermes that I dont already have, Okay na po ako sa mga bags ko, wala akong type na bagong kulay, so okey na po ako,”aniya pa.

At lalong wala raw kasalanan ang guard dahil naiintindihan niya ito.

“Naiintindihan ko agad yung guard, wala namang kinalaman yung guard. Ba`t naman sasama ang loob ko?” she said.

Sinagot din ng Megastar ang akusasyon na mayabang siya. “Napabili nga po ako doon. Sa paglabas namin, hindi rin ako nagyabang. Sabi ko, ‘Yes, I cannot go? Look I buy everything,’ ginanu`n ko lang siya, pero nakangiti ako.” ❤️❤️❤️❤️❤️❤️

No description available.
No description available.

RURU MADRID AT BIANCA UMALI, ENGAGED NA?

ANG Identical caption nina Bianca Umali at Ruru Madrid sa kani-kanyang post na, ‘I found the right one’ ay teaser ng upcoming project nila na “The Write One” sa GMA-7.

Ang project ay tungkol sa second chances, love, and acceptance na next year pa ang airing. Ipo-produce ng GMA Public Affairs na ididirek ni KIng Marco Baco na siya rin nagdirek ng ‘Ilustrado’, ‘Katipunan’, at ang ‘I Love You Stranger.

Excited na sina Ruru at Bianca na first time magtatambal at magkatrabaho sa isa`t-isa.

“Naikukuwento niya lang sa `kin kung papaano siya mag-work but this time, makikita ko,” say ni Ruru.

Samantalang ipinaliwanag ni Bianca ang istorya ng suot na singsing sa kanyang post na inokray at inakalang engagement ring na nila ito.

“Yung pinakababa, yung may diamond tear-shape, it`s a ring that really came from Ruru. The second one, makikita n`yo yung rings na may sapphires, yung blue diamond that was the ring that I got for myself last year. Ang gintong singsing na may maliit na brilyante ay engagement ring ng nanay ko noon. Yun yung nagsi-symbolize ng hope para sa kin na she`s with me,” ani Bianca.

WALLY PERALTA – ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *