PBBM BYAHENG THAILAND NAMAN PARA SA APEC MEETING

PBBM BYAHENG THAILAND NAMAN PARA SA APEC MEETING

BALIK- BYAHE ulit kahapon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para lumahok sa ika-29 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM) sa Thailand ilang araw matapos bumalik sa bansa galing Cambodia.Sa kanyang ginawang departure statement sa Villamor Air Base, muling nangako si Marcos na dadalhin niya ang pag-asa at adhikain ng bansa para sa isang mapayapa at maunlad na rehiyon ng Asia-Pacific.

Pahayag ng Pangulo na layunin niyang i-unlock ang economic potential, i-digitalize ang partisipasyon ng bansa sa digital economy, at sustainable development, gayundin ang pagtugon sa climate change crisis, at iba pa.

“Ang dala natin sa ganitong mga summit at mga meeting [ay] ang ating mga pangarap,” ani Marcos.Makikipag-ugnayan ang Pangulo sa iba pang mga lider kung paano haharapin ang food and energy security at ang economic inclusion ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *