CARLA ABELLANA, INAMING HINAHANAP NG KANYANG KATAWAN ANG EX-HUSBAND NA SI TOM RODRIGUEZ

CARLA ABELLANA, INAMING HINAHANAP NG KANYANG KATAWAN ANG EX-HUSBAND NA SI TOM RODRIGUEZ

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

SA isang podcast interview ay sinabi ni Carla Abellana ang ilang dahilan ng hiwalayan nila ng estranged husband na si Tom Rodriguez.

“Hindi po siya isang bagay lang, kasi madami. Madami pong dahilan na hindi po mababaw, hindi ganu’n kadali. Hindi iisang bagay lang. Talagang maraming reason as to why,” pahayag ni Carla.

Sa tanong kay Carla kung nag-reach out ba sa kanya si Tom after ng kanilang hiwalayan ay hindi naman daw.

Saad ni Carla, “No, no. The last time na nakita ko siya was in February of this year. I believe he flew to the United States nung March, nalaman ko sa manager namin because we have the same manager. But since then, no. No phone calls, no text messages, nothing.”

Aminado si Carla na hindi talaga naging madali para sa kanya ang mag-move sa nangyari lalo pa nga’t matagal dn silang naging magkarelasyon ni Tom.

“Ang hirap. Ang abrupt, di ba? You don’t unlove someone overnight lalo na you’ve been with someone for years, many years. Ang tagal bago masanay ’yong katawan, masanay yung mind,” dagdag pa niya. “Imagine your habits, nag-form na yan around this person. Parte na yan ng buhay mo, ng everyday life mo. Talagang maninibago yung katawan, yung puso, even your brain, na magkakaroon talaga ng changes. Hindi mo rin naman puwede turuan yung katawan mo, mind, heart na, ‘Ops, hindi mo na siya love,’ di ba? ‘Ops, wala na, delete na.’ Hindi mo siya matuturuan,” pahayag pa ni Carla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *