AWARD WINNING DIREKTOR PAHIRAPAN MAHAGILAP ANG LIMANG PAPI

AWARD WINNING DIREKTOR PAHIRAPAN MAHAGILAP ANG LIMANG PAPI

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

THREE years in the making ang sex-comedy genre film na “Call Me Papi” ng award-winning director na si Alvin Yapan.

Ang “Call Me Papi” ang second attempt ni Direk Alvin na gumawa ng comedy genre film. Unang comedy film ni Direk Alvin ang ‘Gaydar.’

“Ngayon kasi ginagamit raw talaga ‘yung Paps, as in Paps. Actually, pati ‘yung title na ‘yan hindi ‘yan galing sa akin. Uh, may isang, several days na naghahanap kami ng ibang title. Tapos may nag-suggest na bakit hindi gamitin ‘yung Papi? Kasi ‘yan ‘yung tawagan ngayon. OA naman kung ‘bro,” paliwanag ni Direk Alvin.

Ang “Call Me Papi” ay piagbibidahan ng limang nagse-seksihang aktor sa pangunguna ni Enzo Pineda, Royce Cabrera, Aaron Concpecion, Lharby Policarpio at Albie Casiño. “Tapos, nababaliw ako ngayon na nationwide talaga. Oo, overwhelmed ako. Nakakatakot, ha. Nakakatakot ito kasi nasa pandemic pa rin tayo. So, hindi ko alam kung may mga manonood,” bulalas ni Direk Alvin. May mga pa-reveal naman si Direk Alvin kung sino among the stars ng “Call Me Papi” ang pinakamadaling katrabaho sa set.

“Ewan ko kung bakit natatapat ako sa mga projects na parating ensemble. Ito, ilalaban ko ang ensemble. Wala ako’ng ilalaglag sa kanila sa pa-pogihan man or sa ano nila sa sense of comic timing, ‘yung acting, ‘yung sa barkada, sa dynamics. Kaya ano rin pinagtiyap din ng panahon kaya nagkasama-sama ito. Kasi ang hirap itong i-cast, ha. Itong lima? Ang dami naming pinagdaanan dito. And oh, in fairness, wala ako’ng naamoy sa kanila na pabango. Lahat natural ang amoy. Wala namang nakakasulasok for me. ‘Yung sobrang perfume? Wala ako’ng natandaan sa kanila,” pagre-reveal pa ni Direk Alvin.

Ipapalabas ang “Call Me Papi” ni Direk Alvin on December 7 (Wednesday) at sa December 2 (Friday) ang premiere night.

WALLY PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *