JAKE CUENCA, WALANG NALASAHAN SA KAHALIKAN

JAKE CUENCA, WALANG NALASAHAN SA KAHALIKAN

No description available.
No description available.
No description available.

HANGGANG ngayon emotional pa rin ang actor na si Jake Cuenca sa mga nangyari sa buhay nya ngayon Pandemic.

Inamin ni Jake na malaki ang epekto sa kanya ng pandemya. Nakadagdag pa sa kanyang kalungkutan ang break up nilang dalawa ni former Ms International na si Kyle Verzosa.

Nag hiwalay silang dalawa nitong pandemic lang. Inamin ni Jake na hindi pa siya totally ready na mag work ulit sa showbiz.

Pero nagpapasalamat siya dahil may mga nagmamahal pa rin sa kanya at nakasuporta para alalayan siya.

“Noon inoper sa akin ang pelikulang “My Father Myself,” ay hindi pa talaga ako ready humarap pa muli sa kamera,” bungad ng aktor. “Pero kahit hindi pa ako ready ay tinanggap ko ang offer na gumawa ng movie dahil ang makakasama kong Direktor ay si Direk Joel Lamangan. Iniisip ko na baka ito ang way para maging maayos at makabalik na ako sa work ulit. Nung nabasa ko ang script ng movie ay agad akong nabuhayan ng loob na gumawa ulit ng movie. Napakaganda ng script at first time ko na gagawa ng ganitong klaseng tema. Although may nagawa na ako noon pero ito ay kakaiba.” paliwanag pa ng aktor

Sa pelikulang “My Father Myself”, ay may halikan silang dalawa ni Sean. Kaya na itanong namin s kanya kung ano ang lasa ng halik ng isang batang si Sean?

“Sa totoo lang hindi ko na nalasahan ang halikan namin ni Sean. Dahil take one lang halos ang eksena namin ni Sean. Mas napansin ang galing ni Sean na sobrang siya ang malaking revelation sa movie na ginawa namin. Hindi ko sukat akalain na ang isang Sean ay napakagaling na sa larangan ng pag arte,” Dagdag pa ng aktor.

WALLY PERALTA – ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *