miss pa rin ang pumanaw na bespen.. POOH, ITINANGGING FEEL NANG SUMUNOD KAY CHOCOLEIT

miss pa rin ang pumanaw na bespen.. POOH, ITINANGGING FEEL NANG SUMUNOD KAY CHOCOLEIT

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

Hindi napigilang mapaiyak ng komedyanteng si Pooh nang maalala ang pumanaw na kaibigang si Chocoleit. Namatay si Chocoleit noong March 9, 2019 dahil sa cardiac arrest.

Sa interbyu namin sa kaya during the finale presscon ng TV5 program na “Oh My Korona” ay ibinulalas ni Pooh kung gaano niya nami-miss si Chocoleit. “Sabi ko nga, ang dami kong gustong isumbong kay Chockie. Nami-miss ko si Chocoleit. Sobrang na-miss ko. Pero hindi para sumunod ako sa kanya. Ha-ha-ha!” pahayag ni Pooh sabay tawa. Patuloy niya, “Nami-miss ko siya kasi si Chokei yung ihuhubog ka niyang maging strong Kasi minsan bumibigay ako. Nagkaroon ako ng depression, anxiety, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Si Chokei lang ang gusto kong mapagsumbungan. Nakikipag-usap ako sa kanya pero hindi naman siya sumagot at ayoko siyang sumagot,” biro pa ni Pooh.

Bago pala naging magkaiibigan ay dating magkaaway sina Pooh at Chocoeit.

“Matagal kaming magkaaway niyan, oo. Nagkaroon daw siya ng insecurity sa akin dati. Nainis siya, nainggit siya. Pero simula nung nagkaroon kami ng grupo nina K Brosas, dun na-develop, dun na-enhance yung friendship namin. Nakita ko ang totoong ugali ni Chokoleit. Talagang maldita siya pero defense mechanism niya pala yon,” kuwento sa amin ni Pooh.

WALLY PERALTA – ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *