mmff 2022 calendars… PARADE OF STARS, AWARDS NIGHT AT IBA PANG KAGANAPAN SA PARATING NA MMFF 2022

mmff 2022 calendars… PARADE OF STARS, AWARDS NIGHT AT IBA PANG KAGANAPAN SA PARATING NA MMFF 2022

May be an image of 1 person and text that says 'SS GO loan deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.
No description available.

AYON sa isang producer, hindi lahat ng mga sinehan sa buong Pilipinas ay sumali sa magaganap na Metro Manila Film Festival 2022 (MMFF). More on Metro Manila na lang na ang ibang city nga raw ay wala pang sinehan dahil nagsara dulot ng pandemic.

More than 200 theaters na raw ang sumali sa bunutan para sa pagpapalabas ng walong entry movie sa taunang festival ng bansa pero lumalabas pa rin daw na 30 theaters lang ang bawat pelikula.

Dahil sa tagal ng pagsasara ng mga sinehan ay umaasa ang mga producer na mas marami ang manonood ngayon dahil normal na ang lahat not like before na talagang walang sinehan na puwedeng paglabasan ng mga bagong pelikula.

Gaya nang napagkasunduan tuwing sasapit ang taunang festival ay nagbunutan na ang mga producer ng mga sinehan na paglalabasan ng kani-kanilang entry movie.

At tanggapin man o hindi ng producer na siguradong kung sino ang malakas ay siyang magtatagal at yung mga mahihinang entry movie ay tsugi agad sa mga sinehan. Ang magiging punong abala sa magaganap na Parade of Stars ay ang local government of Quezon City.

Magsisimula ang Parade of Stars sa ganap na alas-dos ng hapon sa Welcome Rotonda patungo Quezon Memorial Circle sa December 21 At kung walang magiging aberya ay tatagal ang parada ng two hours and 30 minutes.

Magsisimula mapanood sa mga sinehan ang 8 entry movies sa Pasko, Dec. 25. At magaganap naman ang Gabi ng Parangal (Awards NIght) sa Dec. 27 at the New Frontier Theater in Cubao, Quezon City.

Kaya ngayon pa lang ay hindi maiiwasan na kabahan ang mga producer na baka hindi magklik ang kanilang entry dahil na rin sa umiiral na streaming platform. Asahan sa walong entry sa MMFF ay may matsu-tsugi o ipu-pull out sa sinehan dahil walang gaanong nanonood.

WALLY PERALTA – ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *