


PIPIGILIN mo ba ang iyong nararamdaman para lang huwag makasakit ng damdamin ng iba? O hahayaan mong ipakita kung ano ang totoong nasa puso mo para lang maging maligaya?
Ito ang mga katanungang bibigyan ng kasagutan ng pelikulang “My Father, Myself” ni Direk Joel Lamangan at sinulat ng magaling at seksing screenwriter na si Quinn Carillo, na official entry ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network sa parating na 2022 Metro Manila Film Festival.
Ang “My Father, Myself” ay pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Sean de Guzman, Dimples Romana at ipinakikilala si Tiffany Grey. Ilang araw pa lang pagkatapos lumabas ng trailer ng nasabing makontrobersiyal na pelikula sa social media ay kaagad itong pinag-usapan ng mga netizens.
May magandang puna at may mga bashers na hndi mawawala sa socmed. Hindi naman pinalagpas ni Quinn ang mga bashers na nega at niresbakan niya ang mga ito sa pagsasabing, “Hindi ito fiction. May pinanggalingan ang istorya ng “My Father, Myself”. Oo, may shock value siya but it’s up to the viewing public kung ano ang magiging interpretasyon nila dito. Kailangan nilang panoorin ung buong istorya para malaman nila kung nakakasira ba ito, lalong lalo na sa LGBTQ + community. Hindi ko po ito sinulat para makasira o to attack any gay community. Rather its a story about a community, a family, a different kind of love story.” Paano naman kaya binuo ni Quinn ang konsepto ng kakaibang family love story ang pelikula? “Actually base po ang ‘My Father, Myself” sa istorya ni direk Joel, totoong tao po ito. Kilala na po ung real people behind the story. Kinuwento niya sa akin. He said to me that he wanted to make it into a film, ini-expand ko, ini-stretch konlang at binigyan ng kulay ang different kind of characters,” ang say pa rin ni Quinn.


KIKO ESTRADA, KERI LANG KAHIT PANAKIP-BUTAS
UNANG sabak ni Kiko Estrada sa mga intimate scenes ay sa pelikulang pinagsamahan nila ni AJ Raval, ang “Sitio Diablo” at sa latest movie na ginawa niya ay muli na naman mapapanood silang dalawa, ang “Us X Her” kung saan ay muli niyang makakatambal si AJ Raval alongside Viva artists Angeli Khang. Tsikang inspired na inspired daw gumawa muli si Kiko Estrada ng sexy movies pag si AJ ang kanyang ka-love scenes?
“I’m interested in good roles and nothing else. I love this project because of the script, when I read the script, I had to call Direk Jules Katanyag right away. And I went there and we shot it. So I have no idea kung paano ko siya gagawin, but Direk Jules guided me throughout the process, and everyone in the production was so nice to me. So it was an experience of a lifetime, and I would forever remember this role,” angli say ni Kiko. Kamusta naman kaya ang working relationship nila ngayon ni AJ sa bago movie na pinagsamahan, ang “Us X Her8″? “Everyone in t6he cast is really i8t887, Angeli was good, AJ was good, Direk j87was phenomenal, the script was.. phenomenal, the production was phenomenal,” ang dagdag na say ni Kiko.
WALLY PERALTA – ENTERTAINMENT EDITOR