magbalik….. CALLA LILY BAND, REBRANDED AS LILY

magbalik….. CALLA LILY BAND, REBRANDED AS LILY

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

BINASAG na ng former co-members ni Kean Cipriano sa bandang Calla Lily ang kanilang pananahimik sa ginawang pang-iiwan sa grupo ng dati nilang bokalista. Sa ginanap nq mediacon ng LILY para sa “Magbalik” concert nila ngayong Sabado, December 3, sa Music Museum sa Greenhills, San Juan City,

Ibinulalas ng banda ang kanilang saloobin kay Kean.

Ayon kay Lem Belaro, ang drummer at chief songwriter ng Calla Lily, nabuo ang grupo nila nina Kean 17 years ago.

“Then after pandemic, nag-email si Kean na parang gusto niya ng i-hang ‘yung jersey as Calla Lily. Parang hindi na raw ‘yata’ naggro-grow? Hindi ko matandaan ‘yung exact word. Pero parang gusto niya ng growth,” simula ni Lem.

Nag-reply sila kay Kean at tinanggap ang naging desisyon niya.

“Sabi ko, ‘Okey. We’ll just take your decision. Pero itutuloy namin ‘yung banda as Calla Lily. Then, doon namin nalaman na nasa kanya pala ‘yung trademark ng Calla Lily. Okey lang naman. ‘Di ba legally tama siya, legally. Pero ang problem kasi is matagal na niyang hindi sinasabi sa amin na ni-register niya mag-isa ‘yung name. Ang dami na naming pinagdaanan, ang dami na naming pinaghirapan- dugo’t pawis. Para rin sa band, nag-release ako ng maraming kanta for the band. Then, nalaman namin na na-register na pala,” pahayag ni Lem. Sabi raw ni Kean, hindi nakipag-usap sina Lem sa kanya. Pero ang alam ni Lem, na-cancel lang ang paguusap nila. Emote pa ni Lem;

“Pero medyo masama talaga ang loob namin, talaga. Kasi imagine, for 17 years saka mo sasabihin na, ‘Uy, nasa akin ‘yung pangalan, na akin ‘yung Calla Lily. Kung gusto ninyong gamitin, bayaran ninyo ako ng license. Ila-license n’yo sa akin.’ Uh, nasa internet naman ‘to. Makikita naman ninyo sa mga interviews n’ya.” Para maka-move on, nagsulat si Lem ng mga kanta at isa doon ay based sa friendship ng banda with Kean.

“Wala naman mangyayari kung magiging bitter pa. Actually mapakarami na naming kanta ngayon. Abangan n’yo po and I’m sure makakarelate po kayo,” sabi pa ni Lem.

At ngayon, intact pa rin ang pinaka-‘core’ ng dati nilang banda dala ang bagong pangalan ng banda. Bukod kay Lem, kasama pa rin niya sa Lily si Nathan Reyes (rhythm and lead guitarist), Alden Acosta (lead guitarist and backing vocals), Aaron Ricafrente (bass guitarist) and their newest lead vocalist na si Joshua Bulot. Dahil kumpleto na ulit sila, balik concert scene ang award-winning Original Pinoy Music (OPM) band in partnership with Lx2 Entertainment, a global entertainment company . Ang title ng concert nila ay “Magbalik” sa direksyon ni Marvin Caldito.

“The boys have been waiting for this momemt to go backt to the stage and just continue doing what they love most. And we, at Lx2 Entertainment, are More than please that they get to do the best performances of their lives yet with us,” lahad ni Loie Magan, Lx2 Entertainment’s Chief Executive Officer and Founder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *