LALAKI, PATAY SA PAMAMARIL SA COTABATO

LALAKI, PATAY SA PAMAMARIL SA COTABATO

DEAD ON THE SPOT ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek na sakay ng isang motorsiklo na naganap sa Pikit, Cotabato.

Batay sa ulat ng pulisya, ang biktima ay nakilalang si Zahabudin Ayao a.k.a. Datu King na nakatira sa Sitio Cantuan, Brgy. Manaulanan, Pikit, Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakasakay sa kanyang motorsiklo ang biktimang si Datu King at nasa sakop ng Brgy. Poblacion, Pikit public market ito nang bigla siyang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek.

Agad na tumakas ang mga salarin patungo sa Maguindanao Del Sur matapos ang ginawang krimen.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa likod at ulo ang biktima.

Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan kung ano ang naging motibo sa pagpatay at sino ang mga salarin na tumambang sa biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *