MULING PAGTAAS NG PRODUKTONG PETROLYO INAASAHAN BUKAS

MULING PAGTAAS NG PRODUKTONG PETROLYO INAASAHAN BUKAS

INAASAHAN bukas ang pagtataas muli ng presyo ng produktong petrolyo kasunod ng pag-aanunsyo ng Department of Energy (DoE) sa linggong ito.

Ayon sa DoE, posibleng madadagdagan ang presyo ng gasolina ng mula piso hanggang dalawang piso kada litro simula bukas, araw ng Martes.

Sa pagtantiya naman ng mga energy sources, posibleng umabot sa P2.00 hanggang P2.40 ang itataas sa presyo ng diesel at P2.50 hanggang P2.80 ang madadadagdag sa presyo ng gasolina kada litro at P2.80 hanggang P3.00 ang umento sa presyo ng kerosene.

Magkakaroon naman ng rollback o bawas presyo sa kada kilo ng liquified petroleum gas (LPG) kung saan inaasahang aabot sa hanggang P44.00 ang makakaltas sa dating mataas na presyo ng mga gumagamit 11 kilograms na tangke ng LPG.

Samantala, mayroon namang good news para sa mga consumers na gumagamit ng liquefied petroleum gas (LPG) dahil sa rollback sa kada kilo.

Pinakamalaki ang bawas sa presyo kada kilo ng Petron LPG na aabot sa P4.20 habang P3.09 naman ang Solane at P2.35 naman ang sa AutoLPG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *