KANSELASYON NG MGA KLASE SA IBA’T IBANG LUGAR NGAYONG ARAW DAHIL SA PATULOY NA PAG-ULAN

KANSELASYON NG MGA KLASE SA IBA’T IBANG LUGAR NGAYONG ARAW DAHIL SA PATULOY NA PAG-ULAN

ILANG lugar sa bansa ang nag-anunsyo ng pagsususpinde ng mga klase ngayong araw, January 5, 2023 dulot pa rin ng walang humpay na pagbuhos ng ulan dulot ng masamang panahon mula pa kahapon.

Kinansela ang mga klase sa lahat ng level ng pampubliko at mga pribadong paaralan sa Legazpi City, Albay at inanunsyo din na walang pasok ang mga estudyante sa Camarines Sur ( All – levels-Public and Private), Naga City, Camarines Sur Pre-school hanggang Senior High School.

Sa Brooke’s Point Palawan ay kinansela na rin ang pasok ng mga estudyante at wala na ring pasok sa mga pagawaan ang mga empleyado.

Nag-anunsyo na rin ng suspension ng klase sa lahat ng level sa mga pampubliko at pribadong paraalan ang mga bayan sa lalawigan ng Laguna kabilang na rito ang Siniloan, Sta. Maria, Mabitac, Paete, Pangil, Majayjay, Cabuyao at Bay.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan sa iba’t ibang lugar sa kabikulan at maging sa ilang bahagi ng Calabarzon area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *