CARLA ABELLANA, NAGLEVEL-UP SA PAGPAPA-SEXY

CARLA ABELLANA, NAGLEVEL-UP SA PAGPAPA-SEXY

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

LAST year 2022 ay marami ang ginulat si Carla Abellana sa pasabog niyang sexy photoshot, kung saan ay naka-black lingerie ang kanyang suot, at kuntodo emote sa harap ng bintana at maging sa ibabaw ng kama.

Marami ang humanga sa pinakitang tapang ni Carla sa pagbabago ng kanyang conservative image. But wait, sa pagpasok ng bagong taon 2023 ay bumulaga naman sa kanyang mga supporters ang mga larawan kung saan ay topless siya, as in, ang bisig niya lang ang takip ng kanyang malusog na dibdib.

At sa iba pang larawan, naka-blazer at black pants si Carla pero walang suot na panloob na damit. Mas palaban and bolder than the first one. Sa isang topless photo ni Carla na ini-upload sa kanyang social media account ay naglagay siya ng caption na ganito: “There’s beauty in the darkness. There’s peace in the silence. There’s purpose in the pain. You just have to believe.” May nagsasabi na kaya nagiging palaban si Carla sa mga sexy photos niya ay may konek daw ito sa latest serye na ginagawa niya sa ngayon sa Kapuso Network kung saan ay makakasama niya sina Gabby Concepcion at Beauty Gonzales. Kakaibang Carla raw ang mapapanood ng kanyang mga followers, a fierce and daring Carla.

No description available.
No description available.
No description available.

FRANKI RUSSELL, PINABILIB SI DIREK JOSE JAVIER REYES

SIMULA nang sumabak ang respetadong direktor na si direk Jose Javier Reyes sa paggawa ng daring and sexy movie under Vivamax ay kapuna-puna na pawang mga newbie na sex nymphet ang kanyang dinederehe.

Una na si Janelle Tee na naging paborito niya at ginawang bida sa isinulat niyang serye para sa Viva max, ang “An/Na”. Ngayon naman pawang baguha din ang mga bida ng movie na katatapos lang niya gawin, ang “Tag-init”, na sina Franki Russell, Yen Durano at Clifford Pusing, na mapapanood na exclusively on Vivamax apps simula sa January 20.

Ang “Tag-init” is about the passage of a young boy into becoming a young man with his experience with this lonely woman.

The movie asks: ibinibigay mo ba ang iyong katawan dahil sa pagpaparaos lamang o dahil sa pagmamahal? Do you give love out of sex or out of love? Sa nangyari kay Clifford, he shows that he is more of a man than his brother and his friends because he gave love and care to this lonely young woman played by Franki. Kamusta naman kaya si Franki bilang bida ng movie na kanyang dinerehe? “I’m happy na sina Franki and Yen are such smart young women, they understand their roles as a kept woman and as a liberal young woman perfectly. Masuwerte ako kasi matatalino ang mga artista ko. Mahirap kapag ang katrabaho mo walang utak,” say ni direk Jose Javier Reyes. Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.Vivamax

WALLY PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *