sumabit sa entourage ni PBBM papuntang Switzerland…. DAWN ZULUETA, INAKUSAHANG SOCIAL CLIMBER NG MGA NETIZENS

sumabit sa entourage ni PBBM papuntang Switzerland…. DAWN ZULUETA, INAKUSAHANG SOCIAL CLIMBER NG MGA NETIZENS

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

TOP trending si Dawn Zulueta sa Twitter dahil kabilang siya sa 70 delegates ni Pres. Bongbong Marcos na nagpunta sa Davos, Switzerland para sa World Economic Forum (WEF) happening now.

Umani ng maraming batikos si Dawn dahil ‘di naman daw bahagi ng anumang sangay sa gobyerno ang aktres maliban sa ang asawa niyang si Anton Lagdameo na Special Assistant ni PBBM. Comment ng netizen, “Oh, pati si Dawn Zulueta nasa Switzerland din. Fieldtrip yarn???” “Ano ganap ni dawn zulueta sa switzerland? 🤧” Kinukwestyon ng netizens kung ano ang role ni Dawn sa gobyerno. At iba ay tinawag siyang social climber. “Anong role sa gobyerno ni Dawn Zulueta at kasama siya Switzerland???” “Ano po ang maitutulong ni dawn zulueta sa mahinang usad ng ekonomiya natin….” “So, alam na this. Pag-uwi ng Pinas, singing to high heavens itong si Dawn na best president ever itong si PBBM. Social climber no.1.” Shinare naman ng isang netizan ang background ng mister ni Dawn.

Si Anton ay apo ng tinawag na “banana king” na si Antonio Floirendo Sr. na isa sa cronies ni former President Ferdinand Marcos. “Para mawithdraw umano ang pera, kelangan ng magandang distraction, ala-Ocean’s 8. Charot” Ayon sa news report, 23 ang official delegates ang kasama ni PBBM sa WEF na binubuo ng mga government officials. Kaya ang tsika ng netizens, kabilang daw si Dawn sa unofficial delegates.

Dinepensahan naman si Dawn ng mga pro-PBBM. “The opposition is attacking the friends of President Marcos Jr., even Dawn Zulueta who is a respected actress is being attacked on social media by these idiots. Well, Dawn Zulueta went to Switzerland and they used their own money not from the gov’t. Stop Harrassing Dawn Zulueta! Suggestion pa ng netizens, dapat kunan din ng report si Dawn sa kung ano’ng silbi niya sa pagsama kay PBBM sa Switzerland.” “Dapat hingan ng travel report si dawn zulueta….ano na accomplish nya sa pagsama sa Switzerland?” Hinanapan naman ng “resibo” ng natizens ang pro-PBBM sa claim na sariling pera ni Dawn ang ginamit niya sa pagpunta sa Switzerland. “How sure are you na pera nila ang ginamit nila? asaan ang ebidensiya mo???” Bukod kay Dawn, kasama rin sina Irene Marcos-Araneta at Direk Paul Soriano sa “entourage” ni PBBM. “Kaya siguro isinama sa World Economic Forum si Dawn Z aside na kasama siya ng kanyang asawa na nasa gobyerno ay baka may shooting sila doon with Direk Paul Soriano” “Very Irene Marcos na si Dawn Zulueta, ano? Nag iba na yung vibes niya. Nilamon na rin ng money and power.” Sabee!

WALLY PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *