


SI Xian Lim ang direktor ng comedy film na “Hello, Universe” na reunion project nina Janno Gibbs at Anjo Yllana sa Viva Films.
First time nina Anjo at Janno na maidirek ng isang baguhang direktor pero puring-puri naman nila si Direk Xian. “He knows what he’s doing. Impressive ang shooting namin – the shots, the story, the screenplay,” kuwento ni Janno.
Sabi naman ni Anjo, “Si Direk sa experience ko, very talented siya. Marami siyang ideas, bago, mga hindi ko pa nakikita noon. Kahit gaano kagaling si Direk kahit siya yung nagsulat, siya yung nagdirek, alam niya yung ginagawa niya pero pag nag-suggest kami tatanggapin niya.” Nagbigay naman ng reaksyon si Xian sa sinabi ng kanyang cast na ang karamihan ay mas beterano na pagdating sa comedy. “Napakasarap sa pakiramdam na sila po yung nakasama ko sa pelikulang ito. It’s because very collaborative po yung environment namin and everyone was willing to give their 100 percent,” sey ni Xian. “Walang nag-hold back. Kumbaga, lahat willing na, ‘Okey, mapapagod kami dito, mapupuyat kami, may chance na magkasakit kami dito, but we will give it our all, we will improve doon sa nakasulat sa script and we will just have fun along the way. Yon lang naman po talaga yung naging rule sa buong pag-shoot, to have fun and if you’re not having fun you’re doing it wrong. And it was such a plus na idol na idol ko sina Kuya Janno, Anjo Yllana. Bata pa lang po ako pinapanood ko na po sila. Kaya po ako nagkaganito dahil sa kanila, eh,” natatawa niyang pahayag.
WALLY PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR