TONI GONZAGA, WAGI SA NAGDAANG BIRTHDAY CONCERT

TONI GONZAGA, WAGI SA NAGDAANG BIRTHDAY CONCERT

May be an image of 1 person and text that says 'John S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.

MALAKING sampal sa mga bashers ni Toni Gonzaga na nagsasabing magpa-flop at di tatauhin ang 20th Anniversary & Birthday Concert ng Multi-Media Star last Jan.20 sa Araneta Coliseum ang “I Am Toni” dahil punong-puno at hindi mahulugang karayom ang loob ng Araneta sa dami ng taong nanood. Opening number pa lang ni Toni ay pasabog na with here medley of danceable songs with sexy gold costume, na sinundan ng medley ng kanyang mga naging hit songs.

Hiyawan naman ang isinukli ng mga manonood sa medley of songs ni Toni na naging theme song ng kanyang mga pinagbidahang romcom movies. Winner din ang duet nila ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga at duet nila ng Concert King na si Martin Nievera na paborito pala ng Daddy Bonoy ni Toni. Bonggang performances naman ang hatid ni Andrew na mistulang nag party ang lahat ng tao sa Araneta ng kantahin nito ang ‘Banyo Queen’. Very touching naman ang production number ni Toni na alay niya sa kanyang anak at production number para sa kanyang husband at ang kanyang song number para kay Lord.

Nagsayawan naman ang mga tao sa kanyang clossing number at tiktok songs. All in All napakaganda ng concert ni Toni! Kaya naman congratulations and Happy Birthday ka’y Toni.

No description available.
No description available.

VILMA SANTOS AT NORA AUNOR, NASA BUCKET LIST NI NADINE LUSTRE

ANG nag iisang Star for All.Seasons na si Vilma Santos ang gustong makatrabaho ng award-winning actress na si Nadine Lustre. Kuwento nga ni Nadine na nakatrabaho na niya si Ate Vi pero sandali lang daw iyon sa isang episode ng ‘Maala-Ala Mo Kaya’ nung bata pa siya Ayon ka’y Nadine; “Si Ate Vi, actually nakasama ko siya before pero sobrang tagal na sa MMK. Si Ate Maj (Maja Salvador) po ang kasama ko noong time na ‘yun. Parang sobrang every time na nakikita ko siya actually kahit noong MMFF awards na nakita ko siya gusto ko siyang yakapin,” Actually hindi ko pa napanood ‘yung lahat ng mga nagawa niya e, hindi ko pa napanood lahat ng mga movies nila. Pero of course lahat naman sila, it’s an honor if makakatrabaho ko silang lahat,” Bukod kay Ate Vi, siyempre kasama rin sa wish list niya ang makatrabaho ang nag-iisang Superstar at National Artist for Film na si Nora Aunor. “Anyone naman, I’m open for collaboration especially ‘yung mga legends natin isang malaking karangalan na maka-trabaho natin sila,” pagtatapos ni Nadine.

WALLY PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *