MERYLL SORIANO AT JOEM BASCO, SOLB NA SA ISANG ANAK

MERYLL SORIANO AT JOEM BASCO, SOLB NA SA ISANG ANAK

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

MAGKATUWANG na inaalagaan ng mag-partner na sina Joem Basco at Meryll Soriano ang two-year old son nila na si Gido. Kahit sa taping ay bitbit nila si Gido at naghalinhinan ng pagbabantay sa kanilang anak. Although, may kasama rin sila na nakaalalay a pagaalaga sa mag-partner.

Magkasama sina Joem at Meryll sa Kapamilya serye na “The Iron Heart” kung saan sa Cebu ang location ng taping. “Hindi naman mahirap (magtaping),” sambit ni Meryll. “Mas importante na kasama ko siya kasi nagbri-breastfeed pa ako. So, ‘yun ‘yung isa sa mga ni-request ko sa kanila bago mag-start ‘yung show. Na kasama sa Cebu ‘yung baby. Na baby sa hotel. At least, ‘di ba uuwi ako na kasama ko siya.” Sa kabila nito, inamin ni Meryll na nahihirapan din sila ni Joem para sa kanilang anak kahit kasama nila sa taping si Gido. “Pero ang hirap! Nakakaawa rin siya,” malungkot na tinig ni Meryll. “Naka-stock lang don siya sa loob ng hotel room. So, kailangan ilabas sa swimming pool. Di ba sa hotel naman may play area? “Nakakaawa siya kasi sanay siya na malawak siya. Dahil sa bahay (namin) ang daming activities. Hindi naman kasi ‘yun maIapad. So, yes, active siya,” sabi pa ni Meryll. Ekslusibo naming nakapanayam sina Joem at Meryll sa isang event ng mga workshopper ng National Artist na si Ricky Lee last December.

Sa ngayon ay maaaring nakabalik na ulit sa Manila sina Joem at Meryll with Gido from Cebu para sa taping ng “The Iron Heart.” Nais na ni Meryll na mag-stop na sa pagpapa-breastfeed kay Gido. Isa ito sa mga dahilan kaya hindi rin basta-basta nakakatanggap ng offer si Meryll. Pagri-reveal ni Meryll; “Oo, priority ko ang pamilya ko. At syempre last ko na!” Forty years old na raw kasi siya. At pag umabot daw ng 50 ang edad ng babae, mataas na ang risk sa pagbubuntis. “Hindi ko na kaya. Although, gusto ko pa ng isa (anak) talaga,” pag-amin pa ni Meryll. Ayon naman kay Joem, siya raw talaga ang ayaw ng magka-baby pa sila ni Meryll. “Natatakot na ako for her,” depensa ni Joem. “Kasi syempre gusto ko naman i-enjoy. Kababalik lang naming dalawa. Gusto ko namang ienjoy ‘yung magkasama kaming dalawa.” Ganern.

WALLY PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *