pagdating ng retirement age…. ANJO YLLANA, MABABAW LANG ANG KALIGAYAHAN

pagdating ng retirement age…. ANJO YLLANA, MABABAW LANG ANG KALIGAYAHAN

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

RAMDAM pa rin ng actor na si Anjo Ylllana ang dinanas na trauma pagkatapos nilang maghiwalay ng estrange wife niyang si Jacqui Manzano. Hindi na idinitalye pa ng bida ng “Hello, Universe” kung saan nanggaling ang naturang trauma. Si Anjo ay may apat na anak sa dating asawa.

Sa ngayon ay mas pinaghahandaan ni Anjo ang pagharap sa kanyang senior days lalo pa nga’t 55 years old na siya ngayon. Aniya; “Ang pini-prepare ko na lang yung ano ba ang gagawin ko pag ano na ako… beyond 60. Yung nag-retire ka na tapos for a while hindi alam kung anong gagawin.” Parang, sa akin, ano kaya yung retirement ko? Mag-ge-guest-guest na lang ba ako? Or kunwari, tumakbo ako sa pulitika sa 2025… konsehal kunwari. Tapos hindi na ako tatakbo forever? Mga ganu’n,” pagpapatuloy pa niya. “Gusto kong planuhin na yung pagtanda ko. Gusto ko kahit wala masyadong trabaho na, at least, may ipon ka para makapasyal, makakain sa Jollibee at McDo. Hahaha!” sabi pa ng aktor.

May plano ba siyang humanap ulit ng partner na makakasama niya sa kanyang pagtanda? “Nag-iisip din ako. Kaya lang sa na-experience ko kasi sa isang relasyon, sabi ko nga, medyo na-trauma ako,” tugon niya. Hindi raw kasi natupad ang pangarap niya noon na magkaroon ng matatag na marriage kaya pinag-iisipan niya nang todo ang muling pakikipagrelasyon. “Kasi ang naiisip ko no’n mula bata ako, ang pangarap ko kasi magkaroon ng marriage na habambuhay, walang hiwalayan. Samantala, mapapanood na ang “Hello, Universe” in all theaters nationwide.

WALLY PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *