CHAIRMAN SA MAYNILA NA NANUNTOK UMANO NG MMDA ENFORCER NASAMPAHAN NA NG KASO

CHAIRMAN SA MAYNILA NA NANUNTOK UMANO NG MMDA ENFORCER NASAMPAHAN NA NG KASO

KAAGAD na sinampahan ng kasong direct assault sa Manila City Prosecutor’s Office ang isang kapitan ng barangay sa lungsod na inaakusahang nanuntok ng isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ginawang clearing operations nitong nakaraang Martes.Nagsampa ng reklamo si Mark Anthony Medios, tauhan ng MMDA laban kayi Chairman Rommel Bravo ng Barangay 51 Zone 4 sa Dagupan Street, Tondo.

Batay sa ulat, nagsasagawa ng clearing operations ang MMDA Task Force Special Operations sa naturang barangay nang sitahin ang isang vendo carwash na nakaharang sa bangketa at kalsada nap ag-aari umano ng naturang kapitan. Habang binabaklas umano ang naturang istraktura ay bigla umanong dumating itong kapitan at kaagad pinigilan ang pagiba nito.Pinagsabihan ni Bravo sina MMDA Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit head Bong Nebrija at mga kasama na huwag galawin ang car wash at siya na ang kusang mag-aalis nito.

Nagkaroon ng sagutan sa magkabilang-panig hanggang sa kusang umalis na lamang ang mga tauhan ng MMDA.Ngunit bago ang komprontasyon kay Nebrija, sinabi ni Medios, na una na siyang sinuntok sa tagiliran ni Bravo nang abutan sila na kinakalas ang compressor. Hindi umano siya nakapagsalita agad at nagdesisyon na ipaalam na lang sa kaniyang supervisor na si Nebrija, kinalaunan saka nagsampa ng kaso sa Manila Police District- General Assignment and Investigation Section.

Nakipag-ugnayan naman kaagad si Nebrija sa DILG upang masampahan ng karampatang parusa si Bravo sa kanyang inasal. Ayon naman sa kapitan hindi umano niya sinuntok ang naturang MMDA enforcer bagkus ay hinawi lamang niya ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *