COCO MARTIN, NAKAKUHA NG MANA MULA SA YUMAONG SUSAN ROCES

COCO MARTIN, NAKAKUHA NG MANA MULA SA YUMAONG SUSAN ROCES

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

PINAMANAHAN si Coco Martin ng Queen of Philippine Cinema na si Susan Roces hindi lang ng magagandang aral at karanasan sa buhay. Kay Coco pinamana ng movie queen ang product endorsement na inangkin na rin niyang “lola,” ang RiteMed. Pormal na ipinakilala ng Ritemed si Coco as their new brand ambassador sa pamamagitan ng pinakabagong TV commercial (TVC)ng leading pharmaceutical brand ng bansa.

Malugod at buong pusong tinanggap ni Coco ang hamom na ipagpatuloy ang adbokasiya ng tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Susan na bigyang kapangyarihan ang masa sa pagpili ng dekalidad ngunit abot kayang mga gamot.

Sa ginanap na grand launch ni Coco ay natanong siya kung ano ang pinakamagandang pangaral ang iniwan sa kanya ni Susan na forever niyang dadalhin. “Ang dami po,”bmasayang tugon ni Coco. “Eh, syempre po ‘yung pag-respeto sa sarili. Kasi yun po ang palaging pangaral sa akin ni Tita Susan. Sa sobrang pagkakakilala ko sa Lola ko hinding hindi niya iko-kompromiso o isa-sacrifice ‘yung mahabang pinaghirapan niya para marating kung ano ung pagtingin sa kanila ng mga tao. Kasi, ang pinaka-importante ay ‘yung respeto sa sarili, e. Sa dami ngayon ng social media, halos lahat ngayon, everyday parang nakabukas tayo sa mga tao . Ako po hangga’t maaari, hangga’t kaya kinu-conserve ko ang sarili ko kasi hindi naman ako perpekto. Meron tayong nagagawa na hindi nagugustuhan ng mga tao o sa mga mata ng tao. Pero para po ma-protektahan ang aking sarili, mas pinili ko na lang po sa sarili ko ang manahimik. Kung mabibigyan po ako ng pagkakataon na makapag-inspire sa mga tao, gagawin ko. Lalabas ako. Pero pag alam ko na hindi ako sigurado at alam ko na maaari ako’ng magkamali, mas pinipili ko na lang po ang manahimik sa aking buhay. Kasi yun nga po ang sinasabi ko na walang perpektong tao at ayoko na maipakita sa mga tao ‘yung mga bagay na hindi makakabuti sa paningin nila. Kasi mas hinahangad ko makapagbigay inspirasyon ako lalung-lalo na sa mga kabataan. Kaya every time po na gumagawa ako ng pelikula at teleserye lagi ko pong iniisip ang mga manonood. Kasi alam ko po na ang laki ng obligasyon namin bilang artista. Lalo na po ngayon na nagdi-direk na ako na hindi man 24 hours nababantayan ng mga magulang ang mga bata, pero sa pamamagitan ng paggawa namin ng mga kwento sana nakakapagbigay po kami ng magandang aral sa mga tao,” pag-alaala ni Coco.

Sa naturang appreciation launch, inamin ng Kapamilya actor na may “right one” na sa puso niya. “Normal lang akong tao. Actually kahit noong dati pa, naka ready ako kung ano man yung haharapin ng buhay ko. Kung may dumating mang isang tao na siya makakasama ko sa habang buhay, nakahanda po,” lahad ni Coco. Ni-reveal pa ni Coco na may bagong bahay siya na pinapatayo ngayon. This time, ang bahay na ito ay para sa sarili niyang pamilya. May kani-kanyang bahay na raw kasi ang kanyang ama at mga kapatid. Kaya ang Lola na lang daw ni Coco ang nakatira sa bahay na itinayo niya na nasa loob ng isang compound kung saan nakatayo rin ang bahay na binigay niya para sa kanyang mga kapatid at magulang. “Nandoon po nanay ko. Nandoon rin po tatay ko kahit hindi na po sila mag-asawa. Nandoon po yung mga kapatid ko, tapos mga pamangkin ko. Pero sabi ko, alam niyo po through my experience, minsan ang ganda ng idea mo e. Napaka-makapamilya tayo. Pero, hindi rin pala nagiging perfect. Kaya po pala sabi nila na kapag nasa tamang edad ka na, o nagpamilya ka na, kinakailangan mong bumukod,” saad pa ni Coco.

WALLY PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *