kung kailan nagkaedad…. REZ CORTEZ, HUBO’T HUBAD SA PINAGBIDAHANG PELIKULA

kung kailan nagkaedad…. REZ CORTEZ, HUBO’T HUBAD SA PINAGBIDAHANG PELIKULA

May be an image of 1 person and text that says 'John S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.

MARAMING nagulat sa dami ng mga nag iinit at naglalagablab na sex scenes sa pelikulang Mang Kanor ng AQ Prime na pinagbibidahan ng veteran.actor na si Rez Cortez at Nika Madrid. Sa dami ng nagawang sexy films ay ito na yata ang pinaka boldest na nagawa ng mahusay na aktor na napapayag ng direktor na si Greg Colasito na mag all the way at magkaroon ng 4 pataas na todong sex scene sa pelikula.

Maaalalang halos limang dekada na sa showbiz pero ito ang kauna- unang pagkakataon na nabigyan siya ng pelikulang siya ang title role bilang “Mang Kanor.” Ayon nga kay Rez; “Si Mang Kanor dito, tumutulong siya pero may kapalit. Ang sa kanya naman kasi nakakatulong siya, pero sa maling pamamaraan. Meron din siyang compassion. May pagmamahal. Pero yun na nga, baluktot. Pero siya rin ay isang tao na nagsisi sa kanyang mga ginawa, Yung Mang Kanor dito sa movie, nademanda pero nakulong dahil sa mga nag-viral na mga sex video kung kasama nito ang ilang kabataang babae na galing sa nawala niyang cellphone.

Na kalaunan ay hindi naman napatunayan na si Mang Kanor ang nag-upload noon. Ayon kay Direk Greg ang Mang Kanor ay base sa viral video scandal ng isang senior citizen noong 2018, na during that time ay talaga namang very controversial. Pero kahit na nga sandamakmak ang sex scenes sa pelikula na talaga ay kapupulutan naman ito ng aral. Makakasama rin sa nasabing movie sina Via Veloso, Via Veloso, Joni McNab at Rain Perez, sa direksyon ni Greg Colasito. At mapapanood na sa January 28 sa AQ Prime.

No description available.

STARSTRUCK AVENGER SEASON 7, JEREMY LUIS, GIVING CAREER A SECOND CHANCE

MASAYA ang Starstruck batch 7 avenger na si Jeremy Sabido na ngayon at may bago ng screej name na Jeremy Luis sa kanyang bagong tahanan, ang Marikit Artist Management na pinamamahalaan ng kaibigan naming si Joseph Aleta.

Ayon kay Jeremy very thankful siya na mabigyan ng pangalawang pagkakataon para patunayang may puede siya sa showbiz industry after siyang pakawalan ng GMA 7 at hindi ni-renew ang kanyang kontrata. And this time ay mas open na si Jeremy sa kung ano mang proyekto ang dadating sa kanya hindi lang wholesome projects dahil keri na rin daw niyang magpa-sexy pero may limitations.

At kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon na makapili ng magiging ka loveteam sa kanyang pagbabalik showbiz after a year na nag focus ito sa kanyang business, ay gusto nitong makatrabaho ang kanyang showbiz crush na si Kate Valdez na ayon sa guwapong binata ay maganda at mahusay umarte. Makakasama ni Jeremy sa Marikit Management sina Barbara Miguel, Charles Angeles, Angelika Santiago,Kyle Ocampo at Masculados.

WALLY PERALTA ENTERTQAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *