6 KATAO PATAY , KABILANG ANG 2 GURO; 14 NA IBA PA, SUGATAN SA SALPUKAN NG DYIP AT TRAK

6 KATAO PATAY , KABILANG ANG 2 GURO; 14 NA IBA PA, SUGATAN SA SALPUKAN NG DYIP AT TRAK

ANIM katao ang patay kabilang ang dalawang guro  at 14 naman ang nasugatan matapos ang salpukan ng isang trak at isang dyip noong Biyernes ng hapon sa Castilla, Sorsogon.

Batay sa ulat, dakong alas-4 ng hapon nang maganap ang aksidente sa may bahagi ng San Rafael na ang itinuturong naging dahilan ay ang mga lubak sa kalsada na diumano’y iniwasan ng driver na naging sanhi kung bakit nasalpok ng dyip ang isang trak na nanggaling naman sa isa pang direksyon.

Kinumpirma naman ng DepEd sa lalawigan ng Sorsogon na dalawang teacher ng San Rafael National High School habang isa pang 19 anyos na estudyante mula sa Sorsogon State University at isang alumni ng Villanueva Gabao Institute Inc. sa siyudad ng Sorsogon ang minalas na mapabilang din sa nasawi sa naturang aksidente.

Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng dalawang guro na sina Marible Pardillo, 45 anyos at Karen Maquinana, 45, Amparo Bajaro, 60; Heidy Albao, 58; Erik Dino Deonida, 19, at Janelle Abarientos, 17 na pawang idineklarang dead on arrival pagdating sa pagamutan.

Bukod sa malubak ang kalsada ay medyo matalim ang kurbada kaya’t sadyang madalas ang aksidente sa lugar ayon sa MDRRMO ng Castilla at ang pinakamabuti umanong gawin ay magdahan-dahan sa pagmamaneho ang mga motorista upang maiwasan ang mga ganitong sakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *