MAYON VOLCANO ITINAAS NA SA ALERT LEVEL 2 NG PHIVOLCS

MAYON VOLCANO ITINAAS NA SA ALERT LEVEL 2 NG PHIVOLCS

ITINAAS na ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang status ng Mayon Volcano ng Bicol dahil sa patuloy na pag-aalburoto nito matapos maitala ng ahensya ang paggalaw ng lupa sa paligid ng bulkan at ang paglabas ng makakapal na usok sa bunganga nito.

Batay sa tala ng Philvocs sa nakalipas na 24 oras, naitala ang isang volcanic earthquake at isang pagbulusok ng maliliit na bato.Mayroon ding naiulat na pamamaga ng lupa o ground deformation habang 294 tonelada ng sulfur dioxide kada araw ang ibinuga mula pa Enero 18.

Kaugnay nito agad inirekomenda ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan ng Albay na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 6 kilometer danger zone sa paligid ng bulkan dahil sa posibleng pagtaas ng aktibidad ng Mayon.Nagpaalala rin ang ahensya na posibleng makaranas ng phreatic explosion, rockfall mula sa tuktok ng bulkan at pagdaloy ng lahar kung may malakas na pag-ulan doon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *