inconsistency and lack of probable cause… VHONG NAVARRO, ABSUWELTO SA RAPE CASE (BY: JULIE E. BONIFACIO)

inconsistency and lack of probable cause… VHONG NAVARRO, ABSUWELTO SA RAPE CASE (BY: JULIE E. BONIFACIO)

No description available.
No description available.

ABSWELTO si Vhong Navarro sa mga kasong rape and acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa TVhost/komedyante. Ibinasura ng Supreme Court ang dalawang criminal case pagkatapos makita at pagaralan na may basis ang Department of Justice (DOJ) na ipawalang-sala si Vhong due to inconsistent allegations. Ibinaba ng Supreme Court ang kanilang desisyon nito Lunes ng gabi, March 13. Ayon sa nilagdaang salaysay ni SC Associate Justice Henri Jean Paul Inting noong Pebrero 8, “Having determined that the DOJ committed no grave abuse of discretion in affirming the finding of lack of probable cause against Navarro, the Court, in the interest of justice and fair play, is constrained to dismiss the subject Informations against him.” Sinang-ayunan ng kapwa niya Third Division Justices Alfredo Benjamin Caguioa, Samuel Gaerlan, Japar Dimaampao, and Maria Filomena Singh ang naging hatol ni SC Associate Justice Inting. Ang tinutukoy na “informations” sa salaysay ni Judge Inting ay ang mga kasong rape by sexual intercourse and acts of lasciviousness cases which the Court of Appeals, in July 2022. Sa kabuuan, ang paiba-ibang statements at kakulangan ng matibay na ebidensya ni Deniece sa korte noong 2018 at 2020 ang malinaw na dahilan ng pagpawalang-bisa ng mga kasong inihain niya laban kay Vhong. Dahil sa paiba-ibang salaysay ni Deniece, nalagay sa alanganin ang kanyang kredibilidad. Naging malaking puntos daw sa desisyon ng korte ang ‘labanan’ ng kredibilidad between Vhong at Deniece. “Under the circumstances, the CA simply had no basis to reverse the prosecutor’s finding of lack of probable cause. On the contrary, it is the CA that disregarded such parameters when it substituted its own judgment for that of the prosecutor’s finding of lack of probable cause against Navarro,” saysay pa ng nilabas na desisyon ng korte. Matatandaan na pansamantang nakalaya si Vhong pagkatapos umapela sa korte na makapag-bail noong last December. Tumataginting na isang milyong piso ang pinataw na pyansa ng korte kay Vhong whoch is the minimum amount for bail for a criminal case Ngayon, laya na talaga si Vhong at maibabalik sa kanya ang P1M pyansa na ibinigay niya sa korte. Natuwa ang mga supporter ni Vhong sa pagpapawalang sala sa kanya ng korte. “Good! I have always been team Vhong!” “Ayan…..d lumabas din ang katotohanan.” “Answered prayers . Happy for you and your family” “Kung talaga kasing guilty si vhong tagal na sana siya tumakas pumunta ng ibang bansa. Kayang kaya niya yun gawin” (BY: JULIE E. BONIFACIO)

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *