

HALOS isang taon na rin ang nakakaraan nang huling gumawa ng pelikula itong palaban na sexy star na si Nathalie Hart, ito ay ang “Reroute” and this year ay may bago siyang palabas na ngayon sa mga sinehan, ang “Kunwari Mahal Kita” kasama sina Ryza Cenon at Joseph Marco.
Sa direksyon ni Roderick Lindayag. Inamin ni Nathalie na kinapulutan niya ng malaking aral ang pelikulang nagawa, na kung saan ay tumatalakay ito sa relasyon ng isang mag-asawa na pilit na pinawawalang bisa ang kasal at ang naging relasyon ng kanyang mister sa isang babaeng nagpanggap na gf na nito. “I play Cindy Soriano, the career-oriented wife of Joseph Marco as Greg. She’s a workaholic, driven career woman and she’s disappointed with her husband who’s an artist at nasa bahay lang. And since she’s disgruntled with her husband, gusto na niyang ipa-annul ang marriage nila. Joseph gets so depressed because of her decision and leaves for a beach resort in the province to cool off. There, he meets Ryza Cenon as Heidi and they become close to each other,” say pa ni Nathalie.
Dagdag na kwento pa ng sexy actress na nang mawala ang mister saka niya lang ito nalaman na mahal pala talaga ang asawa at nais niyang magkabalikan sila, pero huli na dahil napamahal na ng husto ang mister kay Ryza, ang impostorang gf niya.
Sa totoong buhay kaya, dumating na rin sa punto ng kanyang lovelife, na sinukuan niya ito? “Something like that happened to me before, so inalala ko lang yung feelings ko when the same thing happened to me. So dapat, wag ka agad sumuko,” ang dagdag na say pa rin ni Nathalie. Kamusta na kaya ang anak ni Nathalie sa ex-husband niya? “She’s big na. She is now going to school. So while she’s in school, I go to the gym and attend to my business, Gayatree Organics, which will soon have a rebranding with us coming out with new products,” aniya.

