para sa anak-anakan na si Liza Soberano….. “SORRY, ANAK, KUNG ANG FEELING MO KINALABAN o KINOKONTRA KITA” -OGIE DIAZ

para sa anak-anakan na si Liza Soberano….. “SORRY, ANAK, KUNG ANG FEELING MO KINALABAN o KINOKONTRA KITA” -OGIE DIAZ

May be an image of 1 person and text that says "Showbiz PAMORE BY: ROMMEL PLACENTE email add: rommelplacente530@yahoo.com"
No description available.
No description available.

SA pamamagitan ng kanyang vlog sa YouTube, nagbigay ng reaksiyon si Ogie Diaz sa mga sinabi ng dati niyang alaga n a si Liza Soberano nang mag-guest ito sa Fast Talk With Boy Abunda. Na ayon kay Liza ay may tampo siya kay Ogie. Tinatawag pa raw siya nitong anak, pero nagsasalita naman daw ito ng walang katotohanan o kasinungalingan tungkol sa kanya. Kasama sina Mama Loi, Dyosa Pockoh, at Ate Mrena, muling pinag-usapan ang kontrobersiyang kinakaharap ngayon nI Liza.

Bungad kay Ogie ni Mama Loi; “Ang daming naghihintay ng sagot mo doon sa interview ni Liza Soberano kay Tito Boy Abunda. Dahil nga hindi nila narinig noong nakaraang episode kaya abang na abang sila kung ano daw yung magiging reaksiyon mo.” Sagot ni Ogie: “Alam mo, Loi, hindi na para sabihin ko pa kung ano yung mga gusto kong sabihin dun sa mga sinabi ni Liza. Hangga’t maaari, hangga’t kaya kong unawain ang dati kong alaga na hanggang ngayon naman ay anak-anakan ko, ay hindi para magsalita tayo o kontrahin siya kung ano yung kanyang paniniwala, kasi paniniwala yon ni Liza. “Doon na lang tayo sa cliffhanger, kasi ito ginagawa po ito [vlog], hindi pa lumalabas yung part two ni Kuya Boy. Kasi may cliffhanger dun e.”

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang ikalawang bahagi ng interview ni Liza, makalipas lamang ang ilang oras matapos i-post ni Ogie ang kanyang vlog. Sundot na tanong ni Mama Loi; “Oo, ito yung kung galit nga daw si Liza Soberano kay Ogie Diaz?” Sabi ni Ogie; “Feeling ko, sa tono ng pananalita ni Liza, may himig siya ng hinampo sa akin. Pero ako, wala. Galit, tampo? Wala. Lagi yung prayers ko na sana ay nasa maayos na lagay si Liza. Nasa maayos ang kanyang mindset, state of mind niya. Yun lang, hindi para kontrahin si Liza. Kuwento niya yon, e.” Hirit pa sa kanya ni Mama Loi; “Ikaw, Nay, ano naman yung kuwento mo?” “Hindi ako… ewan ko ba, parang nakakapagod na rin naman itong sagut-sagutan, ganyan. Kasi nakakalungkot, Loi, sa panahon na mina-manage natin si Liza kasama ang Star Magic at ABS-CBN, hindi naman involved sa internal deals management yung mga tao. Hindi rin para i-discuss sa public kung paano namin siya minanage. At the end of the day, naging Liza Soberano siya, yun ang importante.” Ayon kay Mama Loi, hiling ni Ogie na huwag nang magsalita si Liza para mahinto na rin ang pamba-bash sa aktres. Agad naman itong sinang-ayunan ni Ogie. Aniya; “Oo, yun lang talaga. Ako yung tatay, e. Nahe-hurt din ako na parang, ‘Bakit ginaganito yung bata at nagaganito yung bata? Nadya-judge agad siya.’ Kahit naman ako nadya-judge din ng mga tao, pero wala akong pakialam kasi ako yung matagal na dito. Mas alam ko yung laro dito sa industriya lalo na sa social media. Karamihan diyan, hindi naman kapitbahay lang ang mga marites, lahat ng mga may social media, marites. So, as long as mayroong nakalagay na comments section na puwede kang mag-comment, nagko-comment ang mga tao, kahit hindi nila alam ang puno’t dulo ng lahat.” Ayon pa kay Ogie, maging siya ay nanlulumo sa mga nangyayari. Maniwala man daw ang iba o hindi ay wala siyang ibang hinangad kundi mapabuti ang aktres. “Sumasagot lang naman ako o sinasagot ko lang kung ano yung para sa akin [ay nangyari], ito naman yung totoo para sa akin. Kaya kung may tampo man si Liza sa akin, dahil kilala ko yung bata, mayroon siyang anggulo na parang malungkot siya, sorry, anak, kung any way na-offend kita or feeling mo kinalaban kita or feeling mo kinokontra kita. “Pero wala akong matandaan na kinontra kita, kundi sinasabi ko lang kung ano yung sa alam ko yung totoo.”aniya pa At least, si Ogie marunong magpakumbaba. Nag-sorry siya kay Liza, dahil sa tingin ng aktres ay na-offend siya ng dating manager.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *