RAYVER CRUZ, HINUHUBOG NG HUSTO NG KAPUSO NETWORK

RAYVER CRUZ, HINUHUBOG NG HUSTO NG KAPUSO NETWORK

May be an image of 1 person and text that says "John S POINT BY: JOHN FONTANILLA"
No description available.

DAHIL trending ang mga naging rebelasyon ni Liza Soberano patungkol sa kanyang showbiz career na nagmula sa panayam sa kanya ni Bea Alonzo ay palagi na rin itong natatanong sa ibang mga artista.

Partikular na pinag-uusapan ngayon ang nasabi ni Liza na nakahon siya sa loveteam nila ni Enrique Gil kaya hindi niya na-explore ang iba pang anggulo ng kanyang pagiging artista. Isa si Rayver Cruz sa mga Sparkle artists kaya’t hiningan namin siya ng komento tungkol kay Liza na nakasama niya sa TV series na “Bagani” noong 2018 at hindi na nga ito natapos ng aktor dahil lumipat na siya sa GMA 7.

Pero napaka-gentleman ni Rayver na ayaw sumawsaw sa issue ni Liza, bagkus at thankful siya sa pag aalaga ng Sparkle at GMA. “Sa Sparkle family ko po, kitang-kita naman kung gaano ako inaalagaan. Sa 4 years ko po sa GMA ang dami pong pinagawa nila sa akin na hindi ko pa nagawa. Ang daming projects sa akin na nagamit talaga ‘yung skills ko, kumakanta na po ako, nagho-host na ako, tumutugtog na ako ng instrument, nakapag-concert na po ako kaya maraming salamat. Samantala, isa si Rayver ang ini-launch bilang ambassador ng Beautederm with Edgar Allan Guzman, Ysabel Ortega, Thia Tomalia, Buboy Villar at Patricia Tumulak.

No description available.

RS FRANCISCO, MAY SOFT SPOT SA PUSO ANG MGA GOLDEN GAYS

HINDI naiwasang maluha ng mga miyembro ng LGBTQ na mga Golden Gays ng bisitahin sila ngayong taon ng CEO & President ng Frontrow na si RS Francisco at namahagi ng tulong through his Frontrow Cares sa mga ito. Naging panata na ni RS na tulungan at bisitahin ang mga Golden Gays taon-taon, kaya naman ngayong taon ay muli itong bumisita at namahagi ng mga appliances at tulong financial para sa kanilang upa sa kanilang apartment na inuupahan at iba pang gastusiin.

Malaking tulong din ang mga home appliances na binigay sa mga ito lalo na ang mga electric fan dahil sira na ang ibang elecric fan na meron sila. Kaya naman sobrang na-touch ang mga Golden Gays sa suporta at pagmamahal na ibinabahagi sa kanila ni RS. Pangako naman ni RS na taon-taon bibisitahin niya at tutulungan ang mga Golden Gays sa abot ng kanyang makakaya.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *