


SA part 2 ng “Fast Talk with Boy Abunda” interview kay Liza Soberano ay may bago namang pasabog ang actress. Marami na tuloy ang nagtatanong kung ano ba talaga ang dahilan ni Liza sa pag-alis sa ABS CBN at sa kanyang manager na si Ogie Diaz.
Sabi ni Liza ay sinungaling daw ang dating niyang manager. “It`s actually hurts me that he`s making up those lies about me…Why is he trying to say things to make people turn against me?” Personal na ang mga naging tanong sa kanya ni Kuya Boy, tulad ng relasyon niya sa dating manager at maging ang tungkol sa usaping din ng pera matapos batikiusin si Liza sa kanyang controversial vlog. Sabi niya; “HIndi po ako nagko-complain. I was just saying facts.” Nagsimula ito nang may mag-tweet na netizen tungkol sa 40 percent na kinukuhang komisyon ni Ogie kay Liza. Tweet ng netizen: “Ang lala nu`ng 40% commission. Ang laki talaga ng nawawala sa kanya. Wala pa diyan yung sa Star Magic.Tapos yung isang brand na umatras kasi nagpadagdag ng TF si Ogie Diaz kahit ok na kay Liza yung offer.” Sinagot ni Ogie ang lahat ng paratang ng netizen. Sinang-ayunan naman ni Liza si Ogie sa interview sa kanya ni Kuya Boy.
Ayon kay Liza, hindi totoong 40 percent ang nakukuhang komisyon ni Ogie sa kanya. Sabi niya: “Nakita ko rin po yun sa Twitter. I thing people are accusing Tito Ogie of taking 40 percent from me, I wanna clarify na hindi rin po yun totoo. I I started with him at 12 years old and then up until I was ..I believe 2015 or 2016, which was I was 17, 30 percent po yung commission niya sa akin. “My Tita Jonie was taking 20 percent and Star Magic was taking 10 percent,” Ang tinutukoy na Tita Jonie ni Liza ay ang tumatayong road manager niya at personal assistant. Dahil daw sa hiwalay na tax na binabayaran niya bilang U.S. citizen ay umaabot na lang sa 30 percent ang kanyang nakukuha. “My Tita Jonie started feeling bad for me for that situation, so nag-usap po sila ni Tito Ogie na bawasan na lang yung commission nila for me. Because they felt, like, I deserved more since I was putting in a lot of work. So, eventually, naging 20 percent na lang si Tito Ogie, at si Tita Jonie naging 15 percent…And Star Magic was still at 10 percent.” Paglilinaw pa ni Liza na hindi raw kumukuha ng commission ang Star Magic kapag ang project niya ay mula sa ABS CBN, tulad ng teleserye o pelikula. Sa kaso naman ng bago niyang management na Careless Music and Management, ang binabawas daw sa talent fee niya ay kapareho lang ng kinukuha ni Ogie noon, Eighty percent na lang ang napupunta sa kanya.at 20 percent naman sa Careless. Tinanong din ni Kuya Boy si Liza tungkol sa naging pahayag ni Ogie na hindi na siya kumukuha ng komisyon kay Liza nitong nakalipas na dalawang taon. “Nabasa ko rin na in the last two years, correct me if I`m wrong, na hindi na na kumokolekta ng komisyon si Tito Ogie. Is that right? Is that wrong?” tanong ni Kuya Boy. Umiiling si Liza at mahinang sinabi, “It`s not right. That`s incorrect.” It actually hurts me that he`s making up those lies about me.. I feel like he`s trying to make it seem like I wasn`t profitable in the past two years that we were working together when he knows the truth. He knows may pains. He knoiws the things that I felt were..the things that were mishandled and stuff like that. It`s kinda unfair…I feel like he`s trying to furnish my name. And he knows.” Sabi pa ni Liza; “I don`t wanna bring this up but he still gets commission from some of the endorsement of mine that still fell under the time that I was under the contract with him, event though he has no more obligations, We told him that he has no more obligations towards me in those endorsement. Literally last month we gave him a paycheck for the endorsement that was renewed before our contract ended. Kahit na wala na po siyang ginagawa for that, we gave him commission, Because that was right, I wouldn`t breach my contract.” Singit na tanong ni Kuya Boy, “So, that was the last you paid commission to your Tito Ogie?” “He`s going to get another one this week,” say ni Liza Inamin din niya na may tampo siya ngayon sa dating manager. Sabi naman ng isang netizen, kung maganda ang palakad mo sa isang alaga ay kahit walang kontrata ay hinding-hindi ka kakalasang talent mo.
