sweet sixteen and a vilmanian….. VIA ORTEGA, OVERJOYED NANG MAPANSIN NG INIIDOLONG SI VILMA SANTOS ANG KANYANG POST

sweet sixteen and a vilmanian….. VIA ORTEGA, OVERJOYED NANG MAPANSIN NG INIIDOLONG SI VILMA SANTOS ANG KANYANG POST

May be an image of 1 person and text that says "Merz TELLIN BY: MERCY LEJADRE Email add: mercielejarde@yahoo.com"
No description available.

MASKI ang nag-iisang Star For All Seasons na si Vilma Santos ay humanga, nag-thank you at nagsey ng goodluck sa Viva Artist Singer cum Actress na si Via Ortega in pernes, ha! Just recently ay dinalaw ni Via si Boss Vic del Rosario sa kanyang opisina sa may Philippine Stock Exchange Building sa may Ortigas for a meeting regarding sa kung ano ang susunod na ibibigay niyang movie project after gawin ni Via ang “Biernes Santo” movie last year at kung ano rin ang susunod nitong ire-record after Via recorded her first single titled “Paghanga”.

While waiting for Boss Vic del Rosario ay nagposing-posing si Via sa Viva Films photo gallery of Iconic Stars at namili kung kaninong old photograph na pinangungunahan ni Action King FPJ, ang gusto niyang maging katabi ang picture at ang pinili niya ay ang old photograph ni Vilma Santos kasi fan siya ang Star for all seasons. Eh, 16 years old now si Via at 16 years old si Vi ng mag-recording ng kanyang first single hit song titled “Sweet Sixteen” na ini-record sa recording studio noon ng former Sampaguita actor na si Jose Mari Gonzales.

Tipong bagay na i-revived ni Via ang ‘Sweet Sixteen’ ni Vilma. At nang i-post sa Facebook ang mga photo ops ni Via katabi ang old photo ni Vi ay nabasa pala ito ng Mommy Dearest ni Luis Lucky Manzano at maganda ang kanyang naging comment that goes…. “Wow!!! So sweet naman Temers!! Pls tell Via…Thank you!!! Appreciate it! Thanks Temers!!! Good luck Via!!”with matching love emoji. Kaya naman tuwang tuwa si Via lalo na ang Mommy Dearest niya na si Mommy Grace Finianos at sumagot ito kay Vilma nang….”Our idol Ms. Vilma Santos Recto, thank you po.” Well, at least para mag-comment sa post mo ang isang Vilma Santos, that’s something big, ha! As in nakakataba ng puso sa true lang.

No description available.

BAYANI AGBAYANI, BALIK KAPAMILYA

MAPUPUNO ng kasiyahan at katatawanan ang mga gabi ng manonood sa bagong season ng pambansang mystery music game show ng bansa sa pangunguna ng host na si Luis Manzano at ang pagbabalik nina Bayani Agbayani at Long Mejia bilang singvestigators kasama sina Negi, Angeline Quinto, MC Muah, at Lassy.

Katulad noon, gagabayan ng singvestigators ang celebrity guests sa tatlong rounds hanggang sa mapili nito ang chosen secret songer na sa tingin nila ay see-nger at makikipagduet sa kanila sa dulo ng show. Nakapanalo na ng 27 awards ang “I Can See Your Voice” at si Luis mula sa iba’t ibang award giving bodies tulad ng PMPC Star Awards for Television, Catholic Mass Media Awards, Platinum Stallion Media Awards, Educ Circle Awards at marami pang iba. Huwag palampasin ang “I Can See Your Voice” ngayong Sabado at Linggo, 8:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *