WHO-LI KA!!?? BLIND ITEM CORNER

WHO-LI KA!!?? BLIND ITEM CORNER

lihim na relasyon ni girlash sa hombre ni main host…. NABUKING NG MAIMPLUWENSIYANG MAIN HOST, BINANTAAN ANG GIRLASH NA TSUTSUGIHIN SA SHOW

MAY Isang netizen ang nagtatanong sa inyong lingkod kung hiwalay na ang showbiz couple na ito na bida sa Isang sikat na sikat na programa? Ayon sa nasabing netizen, napanood daw niya sa YouTube ang balitang nagkakalabuan ang dalawa? Sinagot ko naman siya ng malaking “No!” na may kasama pang Exclamation Point.

Ang suspetsa daw ng main host, ang kanyang dyowa na isa rin sa regular host ng programa ay may ‘something’ sa isang nilang baguhang member sa nasabing show? Kaya pala no’ng nakaraang episode ng programa, may Isang segment kung saan ay isa sa tanong ng host sa mga contestant ay ‘kung ano ang nami-miss nila sa taong nang-iwan sa kanila?’

Sa ‘amoy’ daw ng kapartner ang kanyang nami-miss. Ikinuwento pa ng hombre na nang umuwi siya sa kanilang probinsya sa North, (no’ng araw na balitang naghiwalay) dala-dala daw niya ang damit ng ka-live in na dalawang araw na nitong ginamit at di pa nilalabhan. Yun ang kanyang inaamoy-amoy kapag nami-miss ang maimpluwensiyang dyowa sa industry. Natural, masaya ang main host sa narinig at wari’y ipinaalala sa dyowa na halos dalawang araw pa lamang silang okay.

Sa pinagsususpetsahang karibal sa dyowa na baguhang pa lamang sa show, nagpaalala si main host sa kanya ng ‘Baka maapektuhan ka ng reformat’, na ibig ipahiwatig na baka bigla siyang palitan o mawala sa show kapag inulit pa ang pagiging sweet at close sa bf ng host.? Bagama’t makahulugan ang sinabi sa kasamahan at baguhang girl, magsisilbing pagpapa-alala na walang puwedeng lumandi sa kinakasamang kapartner ng halos apat na tàon na. Ngayo’y back into each other na naman ang magdyowa at balik-saya na naman si main host bilang maybahay ni hombre. Ay naku, boys will always be boys talaga…

Clue: SI Maimpluwensiyang Host isa lang naman producer ng sikat na show. Si hombre naman ay laging nakadikit kay host, as in para lang siyang ‘molecule’ pag kasama si Main Host. Samantalang si girlash ay sexy girl ng kanilang show… BY: ADOR SALUTA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *